SPOT 39: SUNDO

545 25 5
                                    

MACTHARA.

BUMUKAS ang napakatayog na gate ng resort at umikot ang kotseng akay ako papuntang main entrance. Lumipas ang mga araw at ngayon na ang pinakahihintay ng lahat. Ang ika-pitong kaarawan ni Iselantica. Itinigil ni Gole ang sasakyan sa tapat ng isang malaking pintuan.

Mula rito sa passenger's seat, sumulyap ako sa labas ng bintanang katabi ng lalaking nagmamaneho. Isang malaking estatuwa ng dragon ang nakatayo sa gitna ng fountain. Pinagmasdan ko ang mababangis nitong pakpak. At imbes na apoy, tubig ang ibinubuga nito. Sinabayan pa iyon ng nagkikislapang ilaw sa pag-agos niyon. Na sakto para sa okasyon dahil sa gabi ito ginanap.

"Hindi nangangain ang mga tao rito. Kapag oo, kakagatin ko sila. Don't get nervous, okay?" Hinaplos ni Gole ang pisngi ko saka ngumiti para seguruhin ako.

Napairap ako. "Hindi naman ako kinakabahan."

"I know, I know..." napahalakhak siya. "Naniniguro lang ako. Baka magulat ka sa dami ng tao. Hehehehe!"

Bumaba si Gole ng kotse. Umikot siya sa harapan saka pinagbuksan ako ng pinto. Itinapak ko sa red carpetted floor ang suot kong blue pointed toe heels. Inabot ko ang kamay niyang nakaalalay sa akin. Nang maingat akong nakababa'y humawak ako sa braso ni Gole.

Suot ang royal blue tube gown, ibinabalandra ng slit sa gilid ang aking binti. Kakulay nito ang bow tie ng lalaking kumakaway sa mga kamara. Highly-publicized ang mga De Cervantes kaya inimbitahan din siguro ang iba't ibang famous magazines para i-cover ang engrandeng kaarawan ng isang pitong taong gulang na bata.

"Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ito. The more I look at you, the more I fall. Para akong dahon na nahuhulog sa hanging dala mo. You look stunning, baby..." bigla kong nahawi ang kulot kong bangs sa papuri ni Gole. Kumikinang ang matang nakatitig siya sa akin at hindi ko maitatangging bagay sa kanya ang Armani suit at nakatagilid na buhok.

Samantalang retro hairstyle ang pinili kong iistilo sa akin. Nagsuot din ako ng silver necklace at nagdala ng white purse para may bitbitin ako. Maaga akong nagising kanina para magpaayos sa makeup artist na hinire ng katabi ko. Napasobra ang lagay niya ng lipsticks kaya dark at mamula-mula ito. Pero sakto lang ang eyeshadow na ipinahid niya sa taas ng talukap ko. At dahil may pagka-singkit ako, ginulisan niya iyon ng eye-liner para ma-enhance ang hugis ng aking mata.

Sinabayan ko ang lakad ni Gole sa red carpet at tahimik akong sumusunod. Umandar ang kotse niya nang i-maneho iyon ng isang bodyguard. Taas-noong diretso lang ang aking tingin habang kumukurap ang mga ilaw ng kamara. Mayroong bakal na harang na naghihiwalay sa media at sa mga bisita.

"Is that your new girl, Mr. Gole Dantes?" dinig kong tanong ng isang paparazzi pero hindi siya pinansin ni Gole.

Hindi ko maintindihan ang kanilang pamilya sapagkat tulad ko, parang mas inuna nila ang mga kilalang tao at binalewala ang tunay na kahulugan ng children's party. Nang makatapak sa malaking arko ng pintuang gawa sa kahoy, yumuko ang ilang taong nakakakilala sa katabi ko. Napangisi ako dahil nakita ko na ang iba sa kanila sa dating debut ko.

Iginala ko ang paningin sa paligid habang nakahawak ang palad ni Gole sa bewang ko. Sakop ng mayayaman ang buong hall at kung hindi itim o pula, nagkikintaban ang mga gowns nila. Lalo na ang kanilang alahas na mas mahal pa sa taunang sahod ng mga guro.

Napako ang mata ko sa entamblado at dahil mataas ang aking takong, nakita ko ang iilang imbitadong mga bata. Ang iba sa kanila'y naglalaro ng lobo pero karamihan ay tahimik lang na nakaupo. Marahil pinaalalahan ng mga magulang na tumahimik baka dahil may gawin silang ikapapahiya nila.

Pink ang tema ng debut ngunit bakas lamang iyon sa pangharapang linya, kung saan ang mga bata. Matayog ang kisameng may naka-sabit na chandelier. Bilog ang hugis nito kaya kung titingnan sa baba'y malaki ang espasyo ng pagsasayawan ng mga tao. Napatingin ako sa mga food stalls sa gilid, may chocolate fountain doon at gumagawa ng cotton candy.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon