SPOT 45: RAIN & US

371 25 7
                                    

MACTHARA.

TAHIMIK NA NAGMANEHO si Duez habang nakatutok sa kalsada. Pataas ang ruta ngunit hindi nahirapan ang kotseng umakyat. Nakadungaw lang ako sa bintana habang nakikita ang sarili kong repleksyon. Wala pa rin kaming imikan. At kahit nangingisay na ako sa lamig ay ayaw kong utusan siyang pataasin ang temperatura ng kotse.

Wala akong kakapalan ng mukha ngayon.

Hindi kalayuan ang bahay na pinlano ko ring pumuntahan. Nang makarating kami sa patag ng burol ay bumungad agad ang isang modernong bahay. Tumutugma ang kulay nito sa kaberdahan ng matataas na puno sa palibot. May pagka-antigo ang mga disensyong ginamit, isang katangiang nagpapaganda sa istruktura.

"We're here..." ani Duez na bumaba ng kotse. Nakita ko siyang nagtatakbong umikot habang nasa ulo ang kamay. Pinagbuksan niya ako ng pinto at nang makatapak ako sa basang damo, kinuha niya ang tuyong leather jacket mula sa akin. Iyon ang ipinangpayong niya sa akin.

Dinig ang pagtalsik ng tubig habang sabay naming tinatakbo ang stone path patungong balkonahe. Nang makasilong ay muling sumugod si Duez sa ulan. Gusto ko siyang pigilan ngunit nakapasok na siya sa loob ng kotse.

Dalawang palapag ang bahay at may bukas na veranda sa itaas. Nasa gitna ng gubat ang bahay at napakatahimik ng lugar. Nakita kong hindi gumagana ang fountain pero puno iyon ng tubig-ulan. Niyakap ko ang sarili gamit ang jacket sa tindi ng lamig.

Pinapanuod kong ipinaparada ni Duez ang kotse sa bakanteng lupa. Hindi ko na siya hinintay kaya ipinadulas ko ang aking palad sa pantalon. Kinuha ko ang susi roon para buksan ang pinto ng bahay. Abala si Duez sa pagkarga ng maleta kaya hindi niya mamasamaing pumasok na ako.

Bahay ko rin namin ito. Ang totoo niyan, regalo ni Tita Della ito para sa aming dalawa ng anak niya. Hindi ko alam kung para saan ngunit malapit ko nang mapagtanto ang silbi niyon. Tapos na si Duez sa kanyang ginagawa at inilapag na ang kagamitan ko.

"Get inside now..." aniya at nahihiya akong tumango. "I'll just clean the balcony and later move your things in."

"S-salamat."

Marumi ang aming sapatos kaya iniwan ko ang akin sa labas habang naglilinis si Duez ng balkonahe. Ipinasok na rin niya ang maleta ko matapos nitong punasan. Nagulat ako noong nakita ko siyang naghubad ng damit. Hawak ang mop, seryoso siyang nagpunas ng putikang sahig. Nagawa ko pang tumingin sa tiyan.

Makakasama ko siya rito buong gabi? Magdamag habang umuulan?

"The towels are in my room. Dry yourself. You might get sick. Hmm... What are you still looking at?" Muntik na akong madulas sa mapang-akit niyang boses. Nilayo ko ang aking mata sa katigasan niya.

Bakit ba kasi naghubad siya? Buwiset ha!

"You can take a shower there."

"Eh, i-ikaw?" Parang mali ang tono ko.

"Why? You want me to come?" tanong niya at natigil sa pagmomop. May pinta na ng ngisi ang labi niya habang nasa kaliwang bewang ang kamay.

"Gago. Hindi." Padabog kong sinira ang pinto saka siya tinalikuran. Napatakip ako ng tainga nang marinig ko ang halakhak niya. Buwiset!

Hindi ko na nagawang pagmasdan ang kabuoan ng sala dahil umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay. Tanaw ko agad ang isang kuwarto malapit sa bukanan ng veranda. Naglakad ako patungo roon at dahan-dahang pinihit ang door knob.

Unti-unti kong nasisilayan ang loob ng kuwarto. Madilim kaya kinapa ko ang switch sa tabi ng pinto. Bumukas ang ilaw sa sulok ng kisame ar katamtaman lang ang liwanag. Kakulay ng sanga ang pader at humahalo sa pintura ang maliit na halaman sa gilid ng malaking sopa. Sala ang unang bumungad sa akin. Salungat na bahagi nito'y ang kama.

SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon