DUEZ.
De Troy Hotel, 10:53 A.M.
SINULYAPAN ko ang aking relos habang hinihintay ang senyas ng elevator. Magaalas-onse na ng tanghali at kailangan ko nang bilisan ang pakikipagkita bago magsimula ang klase ko. Tinignan ko ang gumagalaw na numero sa screen at nasa ika-anim na palapag na ang itinaas nito.
"Wala ka bang ibibilis!" Naiinip na sambit ko at ilang ulit pinipindot ang screen.
Mabilis akong nakarinig ng katahimikan kaya sandali kong nilingon ang mga kasama ko sa elevator at ni isa sa kanila ang nagtangkang kumibo, sa halip ay tinakpan ang mukha para itago ang pagkadismaya nila sa akin at para hindi ko sila masumbatan.
Agad na nagbago ang isip ko dahil ayaw kong idagdag pa sila sa mga nasa utak ko at muli akong bumalik sa pagpipindot. Hindi ako mandadamay pero nayayamot na ako sa screen na ito. "Bakit hindi ka mabuksan-"
Natigilan ako at namula. Biglang bumukas ang pinto ng elevator at nag-unahan lumabas ang mga empleyado habang nakayuko. Siguro ay nagpipigil sila ng tawa.
"S-Signor De Troy, bukas na ho ang pinto." Hindi ko namalayang pinagmamasdan ko na pala ang lahat sa paglabas. "Sige, mauna na ho ako."
Hindi siya mukhang sipsip dahil nakabihis itong manang at may-edad na. Napakibit-balikat na lang ako sa pang-umagang kahihiyan ko.
Naglakad ako palabas ng elevator hanggang sa marami na ang bumati sa akin na mga empleyado ng kompanya. Ang iba sa kanila ay kilala ko pero marami pa rin ang mga bagong pasok kaya hindi ko sila nabati dahil hindi pa nila ako kilala.
"Good day, Signor."
"Have a blessed morning po, sir!"
"Coffee ho tayo!"
"Good morning, Mr. De Troy," pormal na bati ng isang edukadang miyembro ng staff at mukhang pamilyar. "Beware... I'm gonna get into you soon."
"Good morning, too," nginisian ko ang pagmamalaki niya. "You're wrong. I'm not gonna lose." Agad ko siyang tinalikuran bago pa makapagyabang sa akin.
Isa siya sa mga nominado sa panibagong posisyon na ipaparangal ng mga direktor. Hindi lang ito isang promosyon kundi isa ring pagkakataon para maging Head Manager ng kompanya.
"Magandang umaga ho, Signor Pogi," nakangiting bati ng isang pamilyadong staff. "Sino pong hanap niyo?"
"Magandang umaga rin, Mrs. Salomon," bati ko pabalik. "Saan ang CEO?"
"Nandun ho sa Board Room, may meeting daw para sa promotion."
"Ganun ba?" Nagdalawang-isip pa ako bago sulyapan ang umiikot na hintuturo sa relos ko. "Sige, hihintayin ko na lang siya sa kanyang opisina."
"Sige ho, Signor. Nga pala! Huwag ho kayong papatalo sa malditang 'yon!"
"Ano? Sinong maldita?"
Saglit pa siyang napatampal sa noo saka humalakhak. "Hahaha! Sino pa ho ba, eh di si Hiteroza. Siya lang naman ang kalaban ninyo sa pagka-manager. Tsk! "
Napaisip ako saglit sa kanyang sinabi.
"Saan ba iyang Hiteroza na 'yan?"
"Naku! Iyong kadadaan lang ho na nagpapansin sa inyo."
Bigla akong napatalikod para lingunin iyong babae na pinagbantaan ako kanina. May kinakausap siya sa isang desk at mukhang napakatalino kung makipagtalakayan.
BINABASA MO ANG
SPOT HIM BEHIND (the Spot Saga: Season 1)
Romancethe Spot Saga: Season 1 A night she couldn't erase, a party that led to her tragedy, and a lie that fooled her for years. Macthara Sartre refused dependence from the family that envisioned her to be the 'princess' of doom, a doll they can control. H...