[09] Wizport

19 5 0
                                    

chapter nine: wizports

"You really did that to sneak on that office?" Pagalit na tanong ni Putsah. Nakatayo ito sa study table habang si Nixie ay prenteng nakahiga sa kanyang kama na tila walang pakialam sa sinasabi ng pusa.

"Then what you got into seeing that wardrobe, eh?" Nakapamaywang na ito. Hindi mawawari kung naiinis ito dahil sa ginawa ng amo o sa hindi pamamansin nito sa tanong niya. Umupo sa pagkakahiga si Nixie at tamad na hinarap ang pusa. While he smoothly jumped infront of her.

"I want you to stop investigating now and should focus on your studies, witch. This making no sense," diretsahang pagpapahayag nito.

"But why? Ayaw mo bang malaman kung anong kahayupang ginawa nila sa pamilya ni Madame Andrassa? That Bellia and Donnie! For the sake of Wildred," pagpoprotesta nito. Putsah looked away and Nixie's shoulder fell.

"Of course, I do. But Nixie, matagal na noong nangyari iyon. Don't let the past get ruin everything."

"So you're telling me that you don't care now? Not a single thing from the past?" Mahinahong tanong nito. Putsah still can't look at her eyes.

"Hindi naman porket nangyari na 'yon hindi na puwedeng balikan. Putsah, the past made us what we are in our present. So stop acting that you care nothing at all! Alam kong masakit ang napagdaanan mo at sa best friend mo," dugtong pa nito. She let out a soft sigh and grabbed Putsah near her. Nagulat na lang ang pusa sa pagyakap nito sa kanya.

Nixie have nothing to do with someone's problem. Pero sa kunting pagsasama nila ng pusa ay naramdaman niyang kailangan niya ring mangialam sa iba. She must care to people who are close to her. To find her limit and do what are comfortable with them. Dahil kung sarili lang niya ang mahaaga sa kanya, she can't go beyond her limitations. Hindi siya makakawala sa comfort zone niya.

"I understand why you want me to just focus on my studies but Mr. Cat, I promised you to get the justice for Wildred and blame whoever ruined the life of La'aux especially to you," bulong nito. Mas inihilig pa ng pusa ang ulo sa leeg ni Nixie. She wanted to help Putsah.

Bumukas ang pinto ng dorm. Napatingin naman ang dalawa rito at pumasok sina Lucille, Jenny at Siwon sa likod nila ay sumama rin si Ema.

"You, hard-headed witch! Akala namin nakasunod ka kanina para mag-lunch nakipagsuntukan ka na pala sa Andie Lawrence na iyon!" Pabungad na salita ni Lucille. Sumunod ang tatlo sa kanya. Naupo si Siwon sa kama ni Jenny. Si Lucille at Jenny naman ay sa pangalawang kama. Isinara muna ni Ema ang pintuan bago hinila ang isang upuan sa study table at naupo roon.

"Galit ka sa lagay na 'yan?" Ani Nixie. Pinakawalan niya si Putsah na siya namang bumaba at nahiga sa tulungan niya.

"Siyempre. Kasi naman, Nixie, kung inanyayahan mo kami, eh, 'di sana natulungan ka namin sa pakikipagbardagulan sa babaeng iyon." Napatingin silang lahat sa kanya.

"Ikaw, Lucille, nandadamay ka pa diyan," bulalas ni Jenny. Napatakip naman ng bibig si Ema dahil sa pagpipigil ng tawa. Si Nixie naman ay naiiling na lang habang pinapanuod ang dalawang magsagutan.

"You'll be missing our Muggle Lesson," mahinhing sabi ni Siwon. Napatingin naman si Nixie rito at sa talatakdaan ng mga klase nila at ngayong hapon ay ang kanilang klase tungkol sa mga muggles.

"Don't worry. I can go to the library to read books or you can share it to me na lang mamayang hapon," aniya. Nagkibit-balikat na lang si Siwon at tumango rin.

"Sige na! Hindi pa kasi aminin na gusto niya ring makipagsabunutan kay Lawrence," natatawang sabi ni Lucille kay Jenny. Pinalo naman siya nito sa balikat at lumipat sa tabi ni Siwon.

Into Virgust: The WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon