chapter six: feud at lunch
Nixie was peacefully sleeping when someone knocked the door. Nakatulog pala siya habang nagbabasa. Umayos siya sa pagkaupo at liningon ang kama at doon ay naroon si Putsah habang hawak ang isang libro niya at tutok na tutok ang mga mata niya rito. Inayos niya muna ang kanyang buhok at nagusot na damit bago nagtungo sa pintuan. Nang buksan niya ito ay isang babae na hanggang balikat ang buhok ang tumambad sa harap niya. Mayroon din itong badge ng prefect sa kanyang damit.
"Our lunch is ready. Please go to the lowest deck." Nakangiting sabi niya at saka kumindat. Nang tumalikod na ito ay pumasok muna siya sa loob para ayusin ang mga nagkalat na libro. Hindi na siya nagpaalam pa dahil busy ang pusa sa pagbabasa.
Lumabas siya ng kuwarto at tinahak ang pasilyo papuntang pinakaibabang palapag. Nahilo pa siya dahil sa paggiwang ng barko kaya naman ay nagdahan-dahan na lamang siya sa paglalakad. Nagkasabay niya ang mga ibang estudyante na nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Naalala niya tuloy si Lucille na naiwan niya kanina sa upper deck ng barko. Ano kaya ang iniisip niya nang hindi na siya nakabalik kanina?
Sa pangatlong pangibabang palapag ay kaunti na lamang ang estudyanteng dumadaan at lumalabas sa kani-kanilang kuwarto. Subalit mayroon siyang nadaanang silid na tila may kakaibang nangyayari. She can see from the bottom of the wooden door blinking lights and she can also hear sparkling sounds. She stopped infront of it.
Hinawakan niya ang hawakan ng pinto at pinihit ito upang buksan ngunit nakabukas na ito ng kaunti. Itinulak niya ito at nadatnan ang isang lalaking mayroong transparent na maskara at hawak nito ang kanyang wand kung saan nanggagaling ang mga ilaw. Mayroong kakaibang makina sa lapag na kanyang dinidikitan ng kanyang wand. Napuno pa ng usok ang loob dulot ng nasusunog na metal ng makinang may elise sa loob nito at natatakpan ng pabilog na parang hawla. It looks familiar to her. Naaalala niyang nabasa na niya ito sa libro.
Tumigil ang lalaki sa ginagawa at tinanggal ang suot nito sa mukha at ipinalit ang kanyang itim at makapal na salamin sa mata. Napatingin siya kay Nixie na binabaybay ang tingin sa kakaibang makina.
"Alam mo hindi masamang kumatok. Pero ang pumasok nang walang pasabi, iyon ang masama," sambit nito at saka nilinis ang ilang alikabok ng makina. Pinagdikit ni Nixie ang bibig niya saka magsasalita sana ngunit itiniklop niya ulit ito. Nagulat siya nang tumawa ng malakas ang lalaki. Tumayo ito at naglakad papunta sa kanyang tabi. Inakbayan siya nito
"Woi! Kung matakot naman ito parang nakakita ng multo. Ako si Anthony Foster at isa akong imbentor!" Pagmamayabang nito kay Nixie.Inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya at bumalik sa harapan ng makina. Pinagpag naman ni Nixie ang damit na nadumihan ng alikabok na galing sa kamay ni Anthony.
Binuhat nito ang makina saka may kung ano siyang pinindot doon. Isinangga ni Nixie ang kanyang mga braso sa mukha niya dahil may hanging lumabas sa makina nang umikot ang elise nito."Ho-ho! It works! I'm genius." Naubo si Nixie dahil may kasamang alikabok ang hanging lumabas dito. Pinatay ni Anthony ang makina saka inilapag ulit.
"May bunganga ka hindi ba?" Kumunot ang noo ni Nixie sa tanong ng lalaki. Pinupunasan na niya ngayon ang inimbento niya.
"Ang ibig kong sabihin ay magsalita ka naman," tumawa ito nang mahina na nagpairap sa kanya. Nixie cleared her throat and arranged her untided hair."Er... Nixie Shawk is my name. Bagong estudyante lang--"
"Ako rin! Kung gayon kaibigan na kita." Gulat nitong sabi nang may malaking ngiti sa mukha. Inayos nito ang salamin sa mata dahil nadulas ito sa pawisang ilong niya. Ngunit saglit lang ay kumunot ulit ang noo nito.
"Bakit ka pala pumasok dito sa silid ko?" May pagtataka sa kanyang tono. Bumuntong-hininga muna si Nixie bago nagsalita.
"A-ah... Hindi ko intensiyon na pumasok--"
BINABASA MO ANG
Into Virgust: The Witch
FantasiaNixie Shawk is The Witch After being chosen as a student of Andrassa Academy, a talking cat, an enchanted wardrobe, mysterious friends, a portrait, book of secrets came to her school life. Slowly knitting the secrets that academy have, she unconscio...