Kabanata 16: Ghost

60 4 0
                                    

Kabanata 16: Ghost

"CEO of Valdez Enterprise, Levi Ryker Valdez, just arrived at the airport this morning. After 3 years since he came to power and helped bloom the company from then until now. Would he be staying for good after years in Spain? Why is he back now? Is he married? Being one of the most sought after bachelors in this generation, people are dying to know! Especially when his staff announced that he'll be holding a press conference this evening. And quote this, it's his first time holding one after he became a CEO since he's always aloof with people..."

"CEO? Isn't that him? Your friend back then?" Usisa ni Miss Meria sa akin habang busy ako kakatingin sa laptop habang nakaupo sa isang lamesa dito sa kaniyang pastry shop.

Tinanggal ko ang earphones ng marinig ang boses ni Miss.

Bored akong tumingin sa TV na pinapanooran niya. Kumunot ang noo ko at muling ibinalik ang tingin sa tina-type sa laptop. "Miss, baka namamalikmata lang po kayo. Hindi siya iyan..." Umiling ako. Pano magiging si L iyon? Mukha namang playboy ang CEO na iyon! Hindi ko nga narinig buong pangalan, masyado yatang kinikilig iyong reporter. Muffled tuloy.

Ah basta! Hindi siya iyon.

"Pero kamukha niya oh!" Turo ni Miss Meria sa TV ulit habang nakaupo sa harapan ko. "Sure ba? Hindi siya?"

Muli kong tiningnan ang TV. Lalong nagbuhol ang kilay ko. "Hindi ganyan pumorma si L, Miss. Laging naka-hoodie 'yon. Bat naka-suit ngayon?" Naiiling kong komento. Sino ba iyang CEO na iyan? Kailangan talagang i-report?

Sinimulan ko ulit mag-type hanggang sa mapansin kong nakatitig lang sa akin si Miss Meria. Huminga ako ng malalim.

Tatlong taon man ang lumipas ay hindi pa rin ako humiwalay sa pagta-trabaho sa kaniya. I don't know why pero nag-eenjoy talaga ako sa shop niya kaya kahit na may maayos naman akong trabaho, ayoko pa ring mag-resign dito.

"You're a famous author now tapos dito ka lang nakatambay sa shop ko. Kailan ka magre-resign?" Malambing niyang sabi.

Ngumuso ako. "Pinapaalis mo na ba ako Miss?"

Tumawa siya. "No! I mean, just wondering. You could've left, but then you stayed. You're always here."

Napangisi ako sa sinabi niya. "Yes Miss, I'm always here kaya hindi mo ako mapapaalis."

"Hmm... Unless mag-asawa ka?" Suggest niya.

"Sino naman pong papakasalan ko?" Natatawa kong tugon.

She shrugged. "Baka CEO?"

"Itutulad mo pa ako sa 'yo, Miss? Ayos lang po buhay ko. Basta may relationship kay God." Bawi ko.

She just smiled at me. Nang magpaalam akong umalis ay talagang may sinabi pa siyang pahabol.

"Nood ka press conference mamaya ah! Or would you like me to send you the link if you want-"

"Ayos lang ako Miss! Nako talaga, ang kulit mo po! Isusumbong kita kay Sir Zennon!" Natatawa kong bawi.

Miss Meria pouted kaya lalo akong natawa. Saktong nakasalubong ko si Sir sa paglabas ng shop.

"Is my wife teasing you again, Eliza?" Ngumiti siya.

Ngumuso ako. "Opo sir, baka mamaya buntis po ulit si Miss?"

Tumawa siya. "Shhh don't say that baka magalit. She's very moody when pregnant."

"Zennon! You're here? Stop talking to Eliza, baka mamaya kung ano-ano pang kalokohan ang ituro mo!" Singhal ni Miss Meria kaya dali-dali nang pumasok sa loob si Sir Zennon at naiwan akong nakangiti.

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon