Kabanata 14: Yoghurt

53 4 0
                                    

Kabanata 14: Yoghurt

"Seryoso ka ba?" Ramdam ko ang namumuong galit sa boses ni L. "Sa mga taon na lumipas?!" Sigaw niya sa kawalan.

"L!" Tawag ko upang pigilan siya na sumigaw pa.

"Pagkatapos ng lahat, may biglang dadating at magsasabi ng ganto? Nakikipagbiruan ba ako sa inyo?!" Singhal niya.

"L... Huwag ka ng sumigaw." Pilit ko siyang pinapakalma ngunit bahagya siyang nagpupumiglas. Nahihirapan na akong hawakan ang braso niya.

"Pesteng mundo! Ang hilig manakit!" Nagsimula na siyang lumuha. Agad ko siyang pinaharap sa akin upang yakapin.

His shoulders shook as tears fell on his cheeks. Hinaplos ko ang buhok niya. Ayos lang iyan, L. Iiyak mo lang, nandito ako.

"Levi... I don't know the pain you felt and I sincerely am hoping that you accept this. The only way for you to get that inheritance is to go out of the country." Si Attorney na tila ba hindi pinansin ang galit na sigaw ni L kanina.

"Ano?" Ako na ang nagulat dahil busy si L sa kakaluha. "Ano pong sabi niyo?" Tila ba hindi ko ma-absorb sa utak ang lahat.

Sa akin na tumingin si Attorney at ngumiti na para bang humihingi ng tawad. "He needs to go out of the country to get it. That's the only way."

"H-How long will it take, Attorney?" Nanginginig ang labi ko. Aalis si L? Kailangan niyang umalis?

"A year or so. Bukod sa mana na kailangan niyang kunin, ay may mga kailangan din siyang asikasuhin para sa rights at ang tungkol sa kompanya..."

"Kompanya?" Muling bumaling si L. Pakiramdam ko ay konti na lang, magbubuhol ng tuluyan ang kilay niya.

Naiintindihan ko ang lagay niya. Kung ako ang nasa pwesto ni L, sa lahat ng nangyayari at nalalaman ko, baka nabaliw na ako.

"Oo. Pag-aari mo," Sambit ni Attorney.

"M-May kompanya kami?" Hindi na maipinta ang mukha ni L.

Maging ako ay patuloy na nagugulat. Akala ko ba ay walang pera si L? Tapos ngayon... may kompanya pala?

"I have a lot of explainings to do..." Ngumiti si Attorney. "The company is doing well. Currently lowkey until the true CEO comes back..." Tumingin siya kay L.

"The fudge..." Narinig kong singhap ni L bago siya mawalan ng malay.

"L!"

"Levi! I-Is he okay?" Bahagyang napatayo si Attorney pala alalayan si L ngunit nauna na akong saluhin si L.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid kay Attorney Ceromta.

"Pasensya na po. Baka sa sobrang gulat at stress... Hindi na niya kinaya," Napalunok ako at inayos ng upo si L. Ang bigat niya! "May mga pinagdadaanan din po kasi siya..." Nahihiya kong sabi.

Marahan kong hinaplos ang pisngi ni L.

"Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon sa nangyari sa batang iyan." Malungkot na sabi ni Attorney. "Nagsisisi ako na hindi ko agad siya nahanap..."

"Wala naman po kayong kasalanan," Nginitian ko siya. "Kung sino man po ang nanakit kay L, siya ang lagot. Ang Panginoon na po ang bahala sa kung sino sila..."

"Salamat... Eliza," Tumungo si Attorney. "Kailangan ko ng umalis. Babalik ako sa oras na pumayag si L. Sa ngayon, kailangan niya muna mag-isip tungkol dito. I'll give you my calling card..."

Bago umalis si Attorney Ceromta ay tinulungan niya muna akong alalayan si L papunta sa kwarto nito. Attorney gave me his calling card at nang umalis siya hanggang ngayon, tahimik lang akong nakatitig doon habang nakaupo at nakasandal sa gilid ng kama ni L.

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon