Kabanata 3: Stubborn

83 3 0
                                    

Kabanata 3: Stubborn

L passed out after he was checked.

Huminga ako ng malalim. Ang sabi ng doctor ay huwag ko daw muna hayaan na ma-stress ang pasyente. I understand. Bahagyang kasalanan ko rin. Medyo nawala sa isip ko dahil nga andaming nangyari.

Bago pa umalis ang doktor ay binanggit ko na rin ang pangalan ni L. They gave me time to fix his information and I did it fast so that I can get back to him immediately.

Tahimik akong nakatitig sa maamong mukha ni L. Ang bait niyang tingnan kapag tulog. Ngunit kapag gising, napaka-talas ng dila.

"L..." I whispered. Bahagya kong hinaplos ang buhok niya. "Ayos ka lang?"

His forehead creased a bit. "M-Ma?"

Natahimik ako at natigilan. Umatras ako ng konti at tumitig lang sa kaniya. Ma? As in mama? Why would he call me that? Mukha ba akong mama?

Hindi ko pa nailalayo masyado ang kamay ko ngunit hinawakan niya iyon at hindi binitawan.

"Ma... Ma..." He whispered. May namumuong luha sa mata.

I remembered what he said. He was stabbed by his own uncle. Ibig sabihin, wala na siya sa parents niya? Or maybe something happened? Kasi kung ganoon, maaring nakikitira lang siya sa mga tito niya?

I tried to grip my hand away from him pero mas humigpit ang hawak niya dito.

"L... Hindi ako yung..." Hindi ko naituloy ng umiyak siya.

He's still sleeping but he's crying! Oh my goodness, anong gagawin ko?

"Ma... Huwag niyo akong iwan. Sama ako... sama..." He cried in his sleep.

I sighed and took a deep breath. Lumapit ako sa kaniya at bahagyang umupo sa gilid ng kama niya. I let him hold my hand as I caress his hair. Okay, L, ako muna ang mama mo ngayon.

"L?"

"M-Ma..." He kept on whispering.

"Are you doing okay, baby?" Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Ang intensiyon ko lang ay magkunwari munang mama niya dahil mukhang miss na niya. Pero bakit ko nasabi iyon?

Bago ko pa mabawi ay naramdaman ko ang mainit niyang halik sa kamay ko. He even held my hand with both of his. Niyakap ito ng mahigpit.

"I wanna go there with you and dad. K-Kunin niyo na ako..."

"L..."

"Ma... I'm l-lost. H-Hindi ko na alam..."

"L, shhh..." I hugged his head lightly, trying to comfort him. "Everything's going to be fine. Just endure for a little more, okay? You don't realize, but everything will be worth it."

Hindi na siya umimik. Sinilip ko siya at napansin kong nabitawan na niya ang kamay kong yakap niya kanina. He was fast asleep and he was snoring a bit. Palihim akong napangiti.

Mukhang nakatulog yata dahil sa paghaplos ko sa buhok niya.

Inayos ko siya sa pagkakahiga bago humiga na rin sa couch. It's been a long day. Gusto ko munang magpahinga.

"Hey! Hey!" A voice woke me up.

Agaran akong napatayo at lutang na nag-ikot ng mata. "S-Sino 'yun?"

"Woman!" The voice hissed.

"W-What?" Gulat akong nakatingin kay L na naka-upo sa higaan niya. Nakakunot ang noo at mukhang naiinis na.

"May ginawa ka ba sa akin kagabi?" He asked.

Lalo akong naguluhan. "Anong sinasabi mo d'yan?"

"I dreamt of you!" Usal niya. "You were comforting me and it wasn't a pleasant scene."

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon