Kabanata 20: Home

92 3 0
                                    

This is the last chapter of Always Here. As always, salamat po sa lahat! May we all have an Eliza to every L in this world. The journey was tough but I'm glad to present this story to you all. <3
__________

Kabanata 20: Home

"Miss Eliza! Can we take a picture with you po?"

"Sure!" Nangingiti kong sabi at napatigil ng lakad para lapitan ang grupo na tumawag sa akin.

Bibitawan ko na sana ang kamay ni L. Nagtama ang mata namin ng maramdaman ko na tila ba ayaw niya pang bitawan ang kamay ko. I raised my brows, trying to ask him what's the problem. Ngumuso lang siya bago bitawan ang kamay ko at tinango ang direksyon ng mga naghihintay sa akin.

I smirked when I realized the problem.

Ladies and gentlemen, the ever so clingy L Valdez is always present by my side.

We were both hanging out in a public place. Just to unwind. Feeling ko nga, may kasama akong celebrity o ano. Laging may paparazzi halos. Kung hindi pa pipigilan ng mga bodyguard ni L, mababaliw na ako. I mean, hindi naman ganto noon nung ako lang. Maybe he's just you know... He has too much influence and power.

Pero ang clingy pa rin.

Last time, he was asking kung nagpapa-picture ba ang mga taong tumatangkilik sa akin. And now, he's pretty much aware that yes, they do. And I really like it... He can't do anything about me.

Sa tuwing may makakasalubong kaming nakakakilala sa akin, he'd always pout. Ibig sabihin kasi para sa kaniya ay kailangan niyang bitawan ang kamay ko. Not that he'll die without holding my hand but because of his reaction, siguro nga.

L may look serious and rough on the outside. Hindi alam ng mga tao, he's so clingy and such a softie. Kapag nasa condo kami, halos hindi na umaalis sa tabi ko. I don't see it as a problem though. Hindi naman siya tipong nakakasakal. There's still a respectful boundary.

Pero tingin ko gustong magsampa ng kaso ng puso ko. Siya kasi laging nalalagay sa alanganin sa tuwing napakalandi ni L. Hindi niya yata kinakaya ang emotions.

Masyado siyang kinikilig at nasisiyahan.

"Miss, galit po ba si Sir?" Tukoy ng mga fans pagtapos magpapicture sa akin patungkol kay L.

Nangingisi kong nilingon si L na nakahalukipkip habang nakatingin sa amin. When he saw me look, ngumiti siya. Akala mo'y hindi seryoso kanina. Bumaling ako ulit sa sa grupo at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagbagsak ng ngiti ni L.

So clingy.

"Normal form niya 'yan." Pabiro kong sagot.

Some of them directed their gaze at L. They found my joke funny. Ang hindi nila alam ay totoo iyon. L's like that. Not the serious, scary, and aloof CEO. But this weird, clingy, and moody L.

Nang lingunin ko ulit si L ay tila ba may kung ano sa itsura niya. He probably sensed that we were talking about him. And being the observant one he is, siguro'y alam niya na ring pinagtatawanan siya.

I gave him a teasing but apologetic smile. Kita ko ang konting paglambot ng ekspresyon niya. I smirked.

Come on, L. Are you mad? Don't be. You know you can't win against me.

I licked my lower lip as I took my glance back and turn away. There was a victorious smile plastered on my face. I saw his shoulders fell and I knew I won again.

As always.

Ilang minuto pa ang tinagal ko bago bumalik kay L. The fans are so curious and kept on asking questions. Ako naman ay sobrang natutuwa at nalibang na sa kakasagot sa kanila. Nawala sa isipan ko na may naghihintay.

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon