Kabanata 7: Nakita
"L!" Sigaw ko at mabilis siyang tinakbo. What the heck is he planning to do?!
I reached for his head and immediately held it above the water so he could breathe. He looked pale! He was topless but he was wearing his boxers.
Honestly, gusto kong isipin na nakatulog lang siya habang naliligo pero...
Nanghihina ako. Muli akong nanghihina dahil sa kaba, takot, at sakit para sa kaniya.
"L..." I breathe out. "Gising, L..."
I gently removed the hairs touching his brows. He looked peaceful as he slept.
Mukha siyang anghel. But damn, whenever his mouth moves to spit words, it always stings.
"L, gising... L..." Mahina kong tinapik ang pisngi niya.
Should I do CPR? CPR???
I bit my lip. Kung hindi ka gigising L, gagawin ko talaga 'yon!
"L! Gising nga sabi, L!" Paiyak na ako. Bakit ayaw niyang gumising?!
Dahan-dahan kong hinaplos ang pisngi niya. I was already planning to perform CPR but his eyes suddenly shot open. His breathing heaved as he gasped for air.
"L!" I exclaimed.
He held his chest, breathing heavily. Dahan-dahan niya akong nilingon na tila ba nakahinga siya ng maluwag.
"A-Anong nangyari?" Naguguluhang tanong niya.
Ngumuso ako. Pulang-pula ang mata ko dahil sa luha! "Kakauwi ko lang. Naiwang bukas ang pintuan ng kwarto mo. I got curious since it was so dark. You locked the CR so I burst it open, then I found you drowning peacefully in the bathtub..."
I heard him mutter soft curses. Frustrated siyang umayos ng upo. Nakaluhod na ako sa gilid ng bathtub habang siya ay nakaupo pa rin doon.
Nag-iwas ako ng tingin. "T-Tumayo ka na d'yan, aayusan kita..."
Mukha akong nanay na nasisiraan ng puso dahil sa nakikitang estado ng anak niya. It broke my heart to see him like that.
"I'm sorry," Narinig kong bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko upang mapigilan ang mga hikbi na gusto pang lumabas. I just nodded at him and quietly tried to help him. Nagpanggap ako na wala lang ang nangyari kahit nagkakagulo na ang mga emosyon sa kaloob looban ko.
Pumasok muna ako sa walk-in closet at kinuhanan siya ng damit. Pagbalik ko ay tahimik lang siya na nakaupo pa rin doon sa bathtub. Hindi na siya tumayo kahit na tinulungan ko. Bumalik siya sa pagkakaupo e.
Muli akong lumapit. "Halika na..." Pag-hikayat ko sa kaniya.
Napansin kong unti-unti na ring nauubos ang tubig sa bathtub, mukhang siya na mismo ang nagtanggal nung nasa drain.
Bahagya pa siyang nanginginig.
This time, ako na ang naglagay ng braso niya sa balikat ko. Bago pa man makalabas sa banyo ay tinuyo niya muna ang katawan niya. Dapat ako ang gagawa kaso bigla niyang kinuha ang tuwalya. Nanatili akong nakatayo sa gilid niya habang hinihintay siyang matapos.
When he finished drying himself, muli niyang inabot sa akin ang tuwalya. I took that as a go sign to continue on helping him out. Pinaupo ko siya sa kama at tumayo ako sa kaniyang harapan.
He looked so lost. Nanatili siyang tahimik habang inaabot ko sa kaniya ang mga damit na kinuha ko kanina.
Iniwan ko siya saglit upang matapos magbihis at muli akong bumalik para tuyuin ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Always Here (Salve Series #1)
Novela JuvenilSALVE SERIES #1. (I'MAH,GYL) And if I die, remember this lines, "I'm always here, guarding your life..." -Synesthesia by Mayonnaise Eliza Valera Zamora. She found him at his worst, he found himself within her words of faith. - Eliza Valera Zamora is...