Kabanata 17: Jackpot

58 3 0
                                    

Kabanata 17: Jackpot

Masaya ako sa pagdaos ng fanmeet. Dagdag sa galak ko ay halos konti lang ang nagbigay pansin patungkol sa isyu noong nakaraang linggo. Sinita rin kasi ng ibang tagabasa ko na rumespeto at umiwas sa ganon dahil baka ma-offend ako. Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

I couldn't stop myself from sharing what I experienced to Ate May. Talagang kinwento ko na may narinig akong boses. Ayaw pa niyang maniwala!

"Ate, nakakatakot nga talaga! Sigurado bang walang multo don sa lugar?" Kumakabog ang puso ko habang nagtatanong.

I'm taking this very seriously and she's acting like I'm just joking or what! Nasaktan lang ako noon pero hindi naman sira ang ulo ko!

"Seriously Eliza, I understand that you're too grateful and happy pero mukhang na-sobrahan yata?"

Frustrated akong napapikit at nagdasal kay Lord.

Lord, alam ko po na alam Niyo na hindi ako nababaliw. I'm so sure that someone really whispered that! Nakakatakot dahil hindi ko alam kung sino!

Mariin akong nagdasal hanggang sa lumipas ang araw at kinabukasan ay medyo lutang pa rin ako ng dahil sa nangyari.

I received a lot of gifts from yesterday. Gulat na gulat ako lalo na't nalamang may mga nagbigay ng pera, kotse, at iba pa. Syempre, hindi ko tinanggap 'yung kotse dahil sobra-sobra na 'yun! Ngunit sabi ni Ate May ay hindi daw nagpapigil 'yung nagbigay. Kung hindi ko raw tatanggapin ay baka itapon na lang kaya nanghinayang ako.

I sighed. Sakto naman na medyo luma na rin kotse ko. Ilang taon na 'yung kotse ko bago pa dumating si L sa buhay ko at hanggang ngayon, hindi ko magawang pakawalan.

Naalala ko tuloy nung sumakay don si L galing ospital at papunta kami sa condo ko. 'Yung araw na mahigpit 'yung suot niya dahil damit ko 'yun at wala siyang extra.

Nangingiti akong umiling. Totoo nga, baka nababaliw na ako. Nasisiraan ng ulo at lahat-lahat.

Dagdag pa 'yung ngayon ay nandito na siya ulit. Pero sa totoo lang, ayoko na ring umasa. May nabasa akong libro na huwag daw mag-expect masyado para hindi masaktan sa huli.

Don't expect anything to avoid disappointments kumbaga.

Ngumuso ako habang nagpapahinga sa kama.

I have my manuscript to do pero sabi ni Ate May ay magpahinga at huwag masyadong magpagod. The fanmeet yesterday took my energy away but at the same time gave me another reason to move forward.

I wonder how people can adore and love someone like me? Maybe it was God's way of making me feel that my work is not worthless. Just underrated but not worthless like what others told me. Before.

Hinanap ko ang orasan. Tanghali na at wala pa rin akong balak na gawin sa araw na 'to.

Isa 'to sa mga pinaka-ayaw ko. Kumbaga, kung kakayanin, mas gugustuhin kong palaging productive ang bawat araw ko. I get guilty whenever I spend my day just resting and chilling sometimes.

Aminado akong hindi tama 'yun. Dapat ay naglalaan ng oras para magpahinga pero minsan pakiramdam ko napag-iiwanan ako ng mundo sa sandaling nagpahinga ako ng ganon.

A ring from my door woke me up from my thoughts. Nagtataka akong bumaba upang masilip kung sino ang naghahanap sa akin. Did the guards let them? Akala ko ba'y mahigpit ang security? Is it Ate May? Hindi naman nagsabi na pupunta.

O baka naman... Nakalimutan ni Ate May na sabihing may pupunta? Hindi niya ako nabalaan.

Suot ang isang t-shirt at shorts, nakayapak akong sumilip sa peephole ng pintuan. Lalong dumagdag ang pagtataka ko ng makitang black 'yun. Tinakpan?

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon