Wakas

122 3 0
                                    

Wakas

"You're the reason why they're gone now! Kasalanan mo! Now, you pay for all your faults!" Galit na sigaw ng Tito ko. "E-Everything's gone! Sinira mo!"

Yes, I know Tito. Hindi mo na kailangan na lagi pang sabihin sa akin ng paulit-ulit. Ever since I was young, you already planted that thought on my brain.

Kasalanan ko. Oo, aakuin ko na. I'm the reason why my parents are now gone. I was young. Wala pa akong masyadong alam sa buhay.

"Calm it down! Huwag mong sigawan ang bata!" Sigaw ng asawa ni Tito. Si Tita.

"Pati ikaw, tigilan mo ngang ipagtanggol ang batang ito! Dahil sa kaniya, wala na si ate at kuya! He was the very reason why they're not here anymore! Naghirap pa ang ate kong iluwal 'yan sa mundo, tapos siya rin pala ang tatapos sa buhay ng kapatid ko!" Bulyaw nito bago padabog na lumabas ng kwarto ko.

I didn't speak. I didn't even shed a damn tear. Ano pa ba ang ilalabas at maiaambag ko sa mundong 'to? I'm a hopeless case. No one can save me. No one.

I don't need any help and savings either.

People shouldn't pity me because of my situation. Mas gugustuhin ko pa na barilin nila ako ng mga sisi nila. Yes, let me feel the pain. Let me feel the sorrow and regrets. Akin na lahat, I want it. I'm so full of it na hindi sapat ang sobra. Gusto ko pa.

Kahit nga ang makaramdam ng emosyon, nakalimutan ko na yata.

Paano ngumiti? Paano umiyak? Anong ba ang dapat kong maramdaman? Is there a tutorial for that?

"L..." Tawag sa akin ng Tita ko.

She tried to reach for my arm ngunit bahagya akong lumayo sa kaniya. She sighed.

"Don't call me that." Malamig kong sabi.

Don't call me L. Magulang ko lang ang tumawag sa akin niyan. Hindi ko sila magulang. Hindi ko sila pamilya. Kaano-ano ko ba sila?

"I'm sorry..." Lumuhod siya sa dulo ng kama ko. Tahimik lamang akong nakasandal sa headboard at nakaupo.

I was wearing a white shirt and sweatpants. Wala naman akong pake sa kung anong estado ng buhay ko. Kung maayos ba ang lagay ng katawan ko o hindi, I don't give a damn. With the life I have right now, who would even appreciate this.

Kung hindi lang ako tinutulungan ng Tita ko, baka nabulok na ako dito sa kwartong 'to. At least, they're nice enough to give me a room.

O... ayaw lang talaga nila akong makasama. That's why they isolated me.

Kahit papaano, naging mabait naman ang Tita ko sa akin. She pushed me to eating healthy foods and to somehow exercise a bit. Kahit na papatay-patay na talaga ako. Wala akong pake sa mundo.

If that's the only way I can thank her, then so be it.

"Stop apologizing." My forehead creased.

I hate it so damn much. Lalo na kapag palaging humihingi ng tawad.

"Mabuti naman at hindi ka niya nasaktan..." Huminga siya ng malalim.

Bahagya akong yumuko at pagod na ngumisi. "That's because you always intervene. Hayaan mong saktan niya ako. If it can ease his anger towards me, I have no say. Let him do it."

Ramdam ko ang pagtama ng buhok ko sa kaliwang mata. I should cut my hair, and maybe my life too. The shorter the better. Less problem, no hassle.

Ano pa bang gagawin ko sa mundong 'to? Bakit pa ba ako nakakangisi at nakakaramdam ng pagod? Bakit pa ako humihinga? I have no purpose here anymore.

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon