flashback
---
masaya akong naupo sa isang mababang upuan dito sa rooftop, katabi niya. ngiting-ngiti akong nakatingin sa kawalan. i gasped when a shooting star swiftly flew on the sky!
"alam mo, kapag may shooting star, lagi akong nagwi-wish!" nakangiti kong hinarap si sean.
he's not facing me but i kept on smiling and telling him stories. sean just kept on drawing and sketching things on his notebook. nakangiti ko siyang pinanood.
i heard him scoffed. "hindi naman totoo yan," he said, still not keeping his eye on me.
i bitterly smiled at him.
"puro ka na lang sana, jiersee." aniya at doon na ako nilingon. "sana dito, sana doon, sana kung saan-saan.. parati ka na lang humihiling ng kung ano-ano."
nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
"sorry.." i softly mumbled. "hindi mo ba nagugustuhan yung mga kwento ko?"
sean faced me with his confused face. "paano? paulit-ulit sinasabi mo. puro tungkol na lang dyan sa mga nababasa mo, sa ideal type mo, sa mga hinihiling mo sa shooting star, sa mga pinagdadasal mo..." pagpapatuloy niya sa iritadong boses.
hindi ko siya nililingon dahil baka may magbadyang tumulong luha pa mula sa aking mga mata.
bakit ba siya ganito?
"galing lang yan sa nababasa mong mga libro eh. kakabasa mo yan ng romance novels. pati yung nahiligan mong magbasa ng mga article na tungkol sa real life stories ng mga sikat na couples? scripted lang yon." nahihimigan ko pa ang inis talagang boses niya.
palagi niyang sinasabing walang kwenta ang paghiling ko sa mga shooting star na minsan lamang dumaan. gabi-gabi, kahit ayaw niya akong samahan dito sa rooftop, naga-abang ako na baka may dumating, para makahiling ulit ako ng maganda. parati ko namang pinagdarasal si sean.
sean is my boyfriend.. for two years na. kakatapos lamang ng second anniversary namin noong nakaraang buwan. wala namang nangyaring espesyal kahit na nag-expect ako. naiintindihan ko naman. matanda kasi siya sa akin at mas ahead sa university. graduating na siya at architecture pa ang kurso. kaya't kahit na hindi niya ako puntahan sa ipinangako niyang oras at araw, iniintindi ko dahil parati niyang sinasabing para raw 'yon sa future naming dalawa.
i've always admired his hardwork. palagi kong ipinagdarasal na sana, kapag natupad niya yung mga pangarap niya, kasama niya ko.
"bitter mo naman mahal.." pabiro ko pang sabi saka marahang hinaplos ang kamay niya.
ngunit halos mapatalon ako nang marinig ang boses niyang bahagyang tumaas.
"jiersee naman!" sigaw niya saka ako galit na hinarap. "i fucking messed my plates up! last na 'to oh!"
bumaba ang tingin ko sa maliit na parte ng plate na ginagawa niya. nahulog ang tingin ko doon sa isang linyang nagkandalagpas na. takot na nagtaka ako nang makitang lapis pa lang naman 'yon.
nanginginig kong dinampot ang puting eraser sa gilid ng lamesang maliit saka tinangkang burahin ang nagkalagpas-lagpas.
but he just harshly pulled the eraser from my hands and threw it away.
"huwag na! don't touch it." seryoso ngunit galit niyang sabi. tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya.
nilingon niya ako. "umuwi ka na nga," aniya saka nagtungo doon sa hagdan pababa.
when he was gone, ang kanina ko pa pinipigilang luha ay tumulo na. i wiped my tears immediately and faced the sky again.
bumungad lamang sa akin ang dilim ng kalangitan. mapait akong napangiti.upon turning my head up to the sky, i wasn't looking up to wish for something. instead i asked...
mahirap ba akong pakitunguhan ng maayos? mali ba ang maniwala? umasa?
time had quickly passed by.. it wasn't anything like before..
is it wrong if i wished for something better when you never made me feel loved at all?
---
BINABASA MO ANG
come make me
Fanfictionafter all that she went through, can he make her believe in love again? a vsoo filo socmed au. 2O21. ♤ aiyuwiie