005

797 39 25
                                    

panay lamang ang pagtawa namin ni reese habang inaasar si leena. nakatanggap kasi siya ng text kanina galing don sa persistent slash consistent niyang manliligaw na si joss. hindi raw siya masusundo nito dahil may family dinner yung lalaki.

we even saw leena pouted and just replied 'okay, take care joss!' to him. bakit ba siya naka pout pa? parang hindi naman siya babalikan nung lalaki niya kinabukasan. paka-clingy talaga nito kahit kailan.

"nakakainis kayo," anito sa amin. we just continued laughing. "sama niyo talaga sa akin, lagi niyo akong inaapi." she dramatically said.

i playfully gasped. "wow ah! ako nga 'tong inaagawan mo ng balat ng manok eh! ikaw pa ang inaapi ko?" sagot ko sa kanya.

"damot mo kasi!" leena answered back. si nina ay nag- presintang mag order para sa amin. nandito kami sa bonchon. as usual, we're here for the chicken. at sinong nag suggest? syempre ako. i love chicken meals!

"here na!" reese clapped as nina came, holding up a tray with our meals. nasa likuran niya rin yoong isang waiter, dala naman ang drinks sa hawak noong tray.

we ate and talked about random things. kalaunan ay dumiretso kami sa arcade pagkatapos naming maglakad lakad para manlang ma-digest yung kinain namin.

"libre ka naman ng tokens, jis!" nina exclaimed. agad akong sumimangot. ako pa talaga ang sasabihan niyang manlibre ng tokens?

"pamasahe ko lang yung dala ko 'no. di naman ako inform na magmo-mall pala tayo." sagot ko. i turned to reese. "ree, libre mo kaming tokens." she rolled her eyes pero later on ay nag-punta na siya sa counter para ibili rin kami ng tokens.

napangiti ako. nabubuhay talaga yata ako sa pambuburaot ko sa kanilang tatlo. saka ko na lang sila ililibre kapag ipon ko na yung sarili kong allowance. hindi ko nga lang sure kung kailan pa yon.

we spend a lot of time playing arcade games. mula doon sa alam na alam kong pandaraya noong claw machine! kahit kailan hindi ako nakakuha ng kahit na ano doon! may game manipulation yon for sure!

"kadaya dito," reklamo ko sa sarili ko nang makaubos ako ng lima mula sa mga tokens ko. five tries, wala pa rin akong nakukuha. lumingon ako sa paligid. wala naman sigurong nakakita nung sign of defeat ko, hindi ba?

"okay, jiersee.." i calmed down dahil kanina pa ako nafu-frustrate. i just want the rabbit stuff toy! "last one, you'll get it—"

"do you want me to get it for you?"

isang malalim at seryosong boses ang pumitlag sa pandinig ko. ano raw? gusto ko raw bang ano?

"h-ha?" napalingon ako sa kanya. he's seriously staring at the claw machine. mukha siyang... gwapo!

"i said.. you want me to get for you?" he repeated. i almost fell from where i'm standing nang makitang nilingon niya ako at tumingin mismo sa mata ko. "i've seen you trying five times.. hindi mo nakuha." sambit niya.

i didn't answer. i kept on looking at his face. iniabot ko na lamang ang dalawang token na required para sa machine.

i glanced at his face one more time before he turned his gaze towards the claw machine. he was smirking. ramdam ko kahit na hindi naman siya sa akin nakatingin kung hindi doon sa laro!

gosh, he's making my knees weak!

come make meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon