078

395 21 4
                                    

flashback - friday

---

"it's okay to drink, jiersee!" kantyaw ni leena sa akin nang lumagok ako sa maliit na shot glass. "walang pasok, walang klase, we're all free!"

ang sinasabi nilang we'll take you out ay sa city bar pala. it was a very famous bar na halos lahat yata ng mga estudyante ng udsc ay alam. of course, including us. the moment i turned 18 ay nakatikim na ako kahit pa simpleng beer lang.

especially the fact that i am friends with these three? wala akong takas.

"bakit ba tayo umiinom?" taka kong tanong sa kanila habang iniinom ang coke sa isang glass.

reese laughed when nina answered, "kasi bigo ka sa dinner date mo."

napasimangot ako sa asar niya. halata mong medyo lasing na siya. surely, reese and i will stay sober. isa pa, magda-drive rin si reese kaya hindi siya gaanong umiinom.

"cheers!" natawa kaming lahat nang i-sigaw iyon ni reese nang orange juice ang hawak. "what? i have to stay sober para may magu-uwi sa inyo. kaya nga yung car ko lang ang dala e!" aniya saka sumimsim sa iniinom niya.

"naiinis na ako kay joss!" reklamo ni leena tungkol sa manliligaw niyang sobrang consistent sa ginagawa. "hindi ko talaga alam bakit kailangang ganoon yung scene sa isang theater play namin!" aniya at napasimangot.

nagda-drama na siya at nagagalit sa maliliit na pangyayari lamang. i shook my head. hay nako.

"anyway, i'll just go to the comfort room ha..." paalam ko sa kanila.

in order to get to the comfort room, i have to walk past through the dance floor. napangiwi ako nang makitang puno iyon ng mga tao.

nakaharang ang mga palad ko at nakadikit ang gilid niyon sa aking kilay, animo'y tinatakpan ang aking mata at mukha. my hair helped me in covering my face too. ayoko namang bigla na lang akong mahatak dito.

the moment i walk past through it was a relief. nang mag angat ako nang tingin ay doon ko napagtanto kung saan ako saktong nalingon.

in a couch, a long table with chairs, napalilibutan ito ng mga pamilyar na architecture students at ang iba'y from the engineering department. i knew them because i always go to their building even before... just to bring lunch for sean.

ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nakikita ko sila dito.

did he lie to me?

nang mapatigil ako sa paglalakad ay doon ako nanlumo.

my eyes roamed around them, only to see my boyfriend sitting casually on the couch, holding a drink while letting another girl who's wearing a flowy dress caress his thighs.. his arms were even on her waist.

bago pa man umangat ang tingin niya sa akin ay nakatakbo na ako pabalik sa pwesto namin nila nina.

"what happened?" reese asked, very concerned. napahinga ako nang malalim habang hindi makasagot.

"i saw.. s-sean." bumigat ang paghinga ko.

walang silang ideya sa sinasabi ko. kaya't kahit hirap ay nagpatuloy ako. nina was eyeing me intently, leena's lips parted and reese was waiting for me to continue.

"he's with.. with another girl.. reese.. reese.. may ibang b-babae si s-sean.."

hindi sila nakasagot. nanatili ang tingin nila sa akin. bahagya akong inangat ang aking ulo para pigilan ang pagtulo ng luha.

"s-sabi niya.. sabi niya dinner daw.. bakit nandito siya? bakit.. bakit may ibang babae? bakit hinahawakan siya.. bakit nakayakap siya doon sa babae!"

nina immediately pulled me for a hug. doon ako humagulgol ng humagulgol. walang tigil ang pag iyak ko.

he lied. he fucking lied.

---

come make meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon