Disclaimer: The following scenes are fictional. I do not claim to be an expert in the field of law, so if you see inconsistencies or wrong information/procedure, feel free to message me personally so I can edit it immediately. The content of this chapter is purely based on research, stock knowledge and personal experiences.
Read at your own risk.
***
Pinahid ko ang mga luhang walang tigil sa pag- agos sa aking pisngi. Hindi ko maintindihan kung bakit tila walang kapaguran ang mga mata ko sa pagpapalabas ng mga luha. Lumunok ako. Bakit ba kasi ayaw tumigil ng mga luhang ito, e. Napahinto ako at nasapo na lang ang aking mukha. Sobrang bigat ng pakiramdam ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Fel. Parang mas lumala lang ang lahat. Parang mas bumigat lang lahat. Ngayon, mas naramdaman kong mag-isa lang ako. Mag-isa lang ako at ang hirap hirap lumaban para sa mga tao kung ikaw mismo nahihirapang lumaban.
Bakit kasi ganito? Bakit kailangang ganito kahirap ang pagtatanggol sa hustisya? Bakit kailangang ganito kasakit?
"Prosecutor..."
Mabilis kong iniyuko ang aking mukha at pinahid ang mga luhang nasa aking pisngi. Huminga ako nang malalim at saka umayos ng upo. Tumingala ako. "Ano iyon?"
"Tumawag po kasi ang mga Garcia. May importante raw pong sasabihin sa inyo."
Sandali akong napatigil at tiningnan ang notebook ko. Hinanap ko ang schedule namin ngayon. Sa huli ay bumuntong-hininga ako at tumango sa aking clerk. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko.
"Sa labas na ako kakain. Pag may naghanap pakisabi may inaasikaso akong kaso," bilin ko at sinukbit ang aking bag sa balikat. Pagkalabas ko ng opisina ay tinext ko agad si Aling Marie na magkita kami malapit sa kanila.
Binigay naman nila ang address nila sa akin kaya alam ko ang iilan sa malalapit na lugar roon. Pumara ako ng taxi pagkalabas ng building at nagpahatid sa isang coffee shop na malapit sa lugar nina Aling Marie. Alam nila kung saan iyon dahil doon din kami nag-usap noong pa-pre trial pa lang kami. May sworn statement ang kabila para sa character ni Tito. Ipipresent din nila mismo ang mga iyon sa korte sa hearing. Dalawang witness naman ang sa amin, medical records at ang mismong doctor na nag-autopsy sa bangkay. Nakumpiska rin ang baril na ginamit at nag-match ang balang nakuha sa katawan ni Mang Armando roon. Hindi ko alam kung ano pang ilalaban nila gayong napakaraming witness sa side namin at halos lahat ng mga ebidensya nakapanig sa amin. Hindi ko talaga alam, pero kinakabahan ako sa maaaring gawin nila.
Hindi pa nga rin ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Walang sinasabi sina Adolf at Flynn at hindi pa rin naman kami nagkakausap pero alam ko namang kay Teon sila papanig. Magkasama na sila mula pa high school, siguradong gagawin nila ang lahat para matulungan ang isa't isa, gaya nga ng sinabi ni Fel. At iyon ang masakit, e. Lahat sila, ni hindi man lang nila ako tiningnan. Akala ko ba magkaibigan kami? Bakit parang iniwan na lang nila ako basta? Alam naman nila ang trabahong ito, di ba? Dahil ba hindi kami magkapareho ng paniniwala ganoon na lang? Matatapon na lang ba ang mga pinagsamahan namin?
Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata para pigilan ang aking muling pag-iyak. Ayoko nang umiyak. Mas lalo akong nanghihina at mas lalong gumugulo ang utak ko. Hindi ko bibiguin sina Aling Marie. Hinding hindi ko sila susukuan. Kung sina Fel ipinaglalaban nila ang pagiging magkaibigan nila, ipaglalaban ko naman ang mga taong kailangan ako dahil alam ko ang pakiramdam ng walang wala. Alam ko ang pakiramdam ng nasa ibaba. Maaga akong naulila dahil walang wala kami. Wala kaming pambayad sa hospital, wala kaming koneksyon kaya hindi kami natulungan ng gobyerno. Kung sino pa iyong nangangailangan talaga ay iyon pa ang napapabayaan. Nakakalungkot at nakakagalit ang ganitong sistema.
BINABASA MO ANG
Prosecuted (School of Law #2)
RomanceCassia Farrise Alvedrez dreamt of being a lawyer eversince. Hindi sila ganoon kayaman para maka-afford ng law school, but she's a strong believer of the saying "if there's a will, there's a way". Having to study in a prime state university and being...
