A/N [read this with a sad tone]
Charlotte's Pov
2 taon na ang nakalilipas nang huli kong nakita ang lalaki sa aking harapan.
Ang lalaking una kong minahal.
Ang lalaking una akong sinaktan.
Ang lalaking nakilala ko sa probinsiya na bigla nalang akong iniwan.
Probinsiyana ako at napilitang lumipat dito sa maynila, dito na daw ako mag-aaral para sa mas magandang kinabukasan, mas maraming oportunidad daw ang kukuha sa akin sabi ni inay.
Transferee ako dito sa Manila college foundation.
Alam naman natin na kapag baguhan ka ay may iaa-sign sa iyong buddy para itour ka sa paaralan.
At dahil malaki ang MCF si jake smith ang nai-asign sa aking buddy.
"Charlotte!!! Kanina pa kita tinatawag!!"napalakas ang boses ni jake kung kaya't nagbalik ako sa aking katinuan.
Ayaw kong umiyak sa harap niya nahihirapan ako.
Natandaan ko pa noong pumunta siya probinsiya ilang taon na nakalipas, lagi niya akong nilalambing at sinusuyo naging kami, nagkaroon kami ng relasyon ng ilang buwan.At nalaman ko nalang kailangan niya na palang bumalik ng maynila para bumalik sa pag-aaral.
Hindi man lang siya nagpaalam sa akin, sinaktan niya lang ako, naging pampalipas oras niya lang ako sa probinsiya.
"Uhmm uuwi na muna ako" sabi ko gamit ang mahinang boses.
"Unang araw mo sa MCF charlotte bawal kang umabsent"pagpapaliwanag niya.
Gustong umabsent at umuwi nalang sa apartment ko.
Gusto kong umiyak magdamag."Kung aabsent ka dahil sa mga nangyari noon, pwede bang kalimutan na natin iyon, bumalik akong maynila kasi mag-aaral ako!!"naiinis ba siya?.
Sa tingin ko sobrang dali lang sa kanya ng mga nangyayari kasi madali lang naman talagang makuha ang loob ko.
Konting suyo bati na kami, konting lambing bumibigay na agad ako sa kanya.
Kaya baka naisip niya na baka kapag iniwan niya ako ay madali lang akong makaka move-on.
Pero hindi niya naisip na dahil sa sobrang dali kong magpatawad, sobrang dali ko lang ding masaktan.
Masyadong nagiging madalu sa kanya ang lahat.
Unang araw sa eskwelahan siya ang una kong nakita, kung kaya't nabwibwisit talaga ako.
"Charlotte ano ba!! Para namang robot ang kausap ko, kanina ka pa tulala, pansinin mo naman ako, sabi ko sisimulan ko na ang pag-guide sayo sa school!!"inis na nga siya.
Tumango nalang ako ng bahagya.
Sumusunod lang ako sa bawat hakbang niya.
Una niyang ipinakita sa akin ang coridor sobrang laki, may soccerfield at basketball court.
Alam kong mahal ang tuition dito kaya kinaya kong maging scholar pinangarap ni inay na pageskwelahin ako sa magarang paaralan kahit siya nalang ang kumakayod sa amin.
Namatay si tatay ng bata pa ako
Tricycle driver si tatay at hindi inaasahang mabanga siya ng napakalaking truck."Eto naman ang computer lab,
Kapag may time ka pwede kang magresearch dito libre lahat,
Pwede kang magprint at gumawa ng presentation dito ililista mo lang ang pangalan mo sa log book"pag explain niya.Tumango lang ako.masyado akong tahimik.
"Eto naman ang classroom mo"tinuro niya ang classroom na malapit lang sa computer lab.
Tumango nalang ako.
Pumasok ako sa classroom, sinubukan kong mag thank you sa kanya, ngunit pagtingin ko ay wala na siya.
Ang dali lang talaga para sa kanyang iwan ako.
---------------
Continue up to next chapter guys!!
Enjoy!!
YOU ARE READING
No New, Still You
RomanceNang makita kita alam kong wala na talaga. Pero baket hanggang sa tumagal bumabalik nanaman. Ngayon meron na akong nahanap, nandyan ka nanaman. Dumating ka nanaman. Paano na siya, kung ikaw ulet. Paano na siya kung pagkatapos ng saya't kulet. Sayo n...