"i don't know what you're talking about pero mukhang ibang sakit ang nararamdaman mo"
Bigla syang umupo sa pagkakahiga.
"Uhmm okey na yan, gagaling nalang din yan..ihatid na kita sa inyo"
Umiling ako kasi baka pagkamalan tong jowa ni mama.
"Wag na malapit lang naman uuwian ko"naiilang kong sagot.
"Malapit lang pala, edi hatid na kita... Ikaw rin baka bumalik yung mag aabang saiyo sa labas."
Natakot din ako kasi nga baka inaabangan pa ako nung nga lalaking yun kaya pumayag nalang ako.
Naglalakad kami binalot kami ng katahimikan.
Hindi ako nag ako nagsasalita kasi hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
Hinihintay nga akong mag thank you siya o baka ako dapat ang thank you.
"Thank you!"medyo napalakas ang sabi ko.
Humawak siya sa magkabilang tenga niya.
"Hindi ako bingi!!!!youre welcomee!!!!"sumigaw din siya.
Napatawa ako sa ginawa niya
Di din naman ako bingi eh.!Nakarating na ako sa labas ng apartment namin ng makita ko inay na naghihintay sa labas.
Tumingin ako sa aking orasan at mag aalas-syete na pala.
Ginabi na din ako."Charlotte, saan ka ba galing!!!"hala galit ata.
Palapit na ako ng magtugma ang tingin niya kay tom na walang kaimik-imik.
"Sino siya?"tanong ni inay nang makalapit na kami sa kanya.
"Kaklase ko inay"pagsagot ko.
Mukhang hindi kumbinsido si inay sa aking sagot.
"Ako po si tom hinatid ko lang po si charlotte kasi may gusto sa kanyang mag-abang sa labas ng gate".
Nagulat si inay, ayaw ko sanang ipa-alam sa kanya kasi mag-aalala ito kaso inunahan na ako ni tom.
"Aba salamat iho, dito ka nalang magha-
"Tom salamat diba uuwi kana"pagputol ko kay inay."O-oo"
"Charlotte hindi ka ba marunong magpasalamat sa taong tumulong saiyo?"
"Nagpasalamat na ako inay"pag-ulit ko.
"Utang na loob tom?tom yung pangalan mo hindi ba???
Dito kana maghapunan.""Uhmm cge po"pagsagot ni tom
Hindi ba ito marunong tumanggi.Pagpasok namin ay may pagkain nang nakahanda mukhang kanina pa naghihintay sa akin si inay, kahit ang mga plato hindi pa nagagalaw.
"Upo ka tom, eto oh adobo paborito ito ni charlotte sana magustuhan mo?"pagmamalaki ni inay.
Mukhang hindi manlang nahiya si tom at umupo na agad.
Kumuha siya ng adobo iniabot naman ni nanay ang kanin sa kanya.
Ganun din ang ginawa ko at nagsimulang kumain.
"Uhmmm charlotte a-atend ka ba sa welcome ball?"pagtatanong sa akin ni tom.
Isa din ito sa ayaw kong bangitin kay inay dahil gastusan nanaman.
Umiling lamang ako.
"At bakit charlotte?"nagtatakang tanong ni inay.
Hindi ako sumagot.
"Sumali kana charlotte ako date mo"pangungumbinsi ni tom sa akin.
"Ni hindi mo nga ako tinanong na maayos".pagsabi ko.
"Kaya nga nandito ako,,,uhh tita pwede date ko sa ball si charlotte??"pagtatanong niya kay inay.
Ngumisi si inay na patang may binabalak.
"Cge ba iho basta ihatid mo siya"
"Inay di pa ako pumapayag!!!"pagsigaw ko.
Halatang nagulat sila.
"Uhmm a-ayos lang kung ayaw mo"medyo utal na sagot ni tom.
"Sasama siya bibili kami ng damit"paniniguro ni inay.
What???!
YOU ARE READING
No New, Still You
RomanceNang makita kita alam kong wala na talaga. Pero baket hanggang sa tumagal bumabalik nanaman. Ngayon meron na akong nahanap, nandyan ka nanaman. Dumating ka nanaman. Paano na siya, kung ikaw ulet. Paano na siya kung pagkatapos ng saya't kulet. Sayo n...