CHAPTER 3

6 2 0
                                    

"uhh s-sigurado ka ba?"p
Paninigurado ko.

"Oo nga maniwala ka kasi simula bata magkaibigan na iyang dalawa, sumunod nagka-ibigan, tapos ayan so strong lover's parin.....isipin mo 10 years na sila ni matilda"hangang-hanga sabi niya.

Nagpaalam sakin si ava na kukuha lang daw siya ng foods namin ililibre niya daw ako.

Naisip ko yung sinabi niya.

Kung matagal na si jake at matilda.

Yung naging relasyon namin sa probinsiya ,laro lang yun para sakanya.

Paniwalang-paniwala akong mahal na mahal niya ako.

Yung mga pangako niya na ako lang daw bwisit!!
Loyal daw siya sakin.

Ipakikilala niya daw ako sa mga magulang niya..

Pinipigilan kong lumandas ang luha sa aking mata.

"Kain na!"bumalik si ava na may dalang mga pagkain.

Natapos ang araw at hindi ako mapakali.

May sariling kotse si ava at inaaya akong ihatid sa apartment ko.

Pero hindi na ako pumayag kasi nakakahiya na.

Naglakad nalang ako pauwi.
Nang makita ko ang mga lalaking nagtitipon-tipon at may binubugbog na lalaki.

Walang kalaban-laban ang lalaki kung kaya't sumigaw ako.

"Tulongggg!!!!!!" Napatingin sila sa akin.

"Tulonngggg!!!!"muli akong sumigaw na halatang ikinabahala nila.

Natakot ata sila kaya nagsipagtakbuhan sila.

"Cha-charlotte!!" Pagsigaw ng lalaki na ikinagulat ko.

Bakit niya ako kilala.

Hanggang sa nakilala ko siya si tom ito.
Yung sumigaw sa classroom ng "i'll take care of you" na ikinahiya ko.

"O-okay ka lang?"pagtatanong ko.

Umiiling ito at inilahad ang kamay niya na halatang humihingi sa akin ng tulong upang makatayo.

Kinuha ko ang kamay niya at hinila siya patayo.

"Help me please .... Kailangan kita please pakigamot ang sugat ko!"hindi ko alam kung humihingi ba siya ng tulong o inuutusan ako.

Pumayag ako at wala nang nagawa.
Dinala niya ako sa condo niya sa malapit na building.

Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya ngunit mukha wala naman siyang balak sa akin.

"Pasok ka"sabi niya.

Sobrang laki ng condo niya.
Baka ang kwarto niya palang kasing laki na ng apartment namin ni inay.

Ini-abot niya sa akin ang first aid kit.
Ewan ko kung bakit ko ito ginagawa.
Ngunit ginamot ko na siya.

"Kung nagtataka kung bakit mo ako kailangan tulungan,
Yung mga nambugbug sa akin balak ka nilang abangan sa labas ng school trip ka ata"pag explain niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

"E-eh bakit ikaw ang binugbug?"taka kong tanong.

"Eh kasi sabi ko wag kanilang gagalawin, sabi ko sayo diba.
I'll take care of you"sabay kindat niya.

Napangisi ako sa kanya, hindi ko ito napigilan.

"Please kung ano man yang ginagawa mo para ma-fall ako sayo itigil mo na"sabi ko.

Napaawang ang bibig niya, nagpatuloy ako sa pag-gamot sa pasa ng mukha niya.

"Sinasabi mo yan kasi may balak kang ma-fall ako saiyo diba, please pakisabi nalang ayaw kong may naglilihim sa akin
At baka malaman ko lang din na may girlfriend kana pala, oh di kaya't may balak ka din  namang iwan ako stop it"pagpapaliwanag ko.

No New, Still YouWhere stories live. Discover now