CHAPTER 9

6 2 0
                                    

Hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa sinasabi ni jake nagpaalam daw siya.

Pero ewan hindi ko alam impossible magsinungaling si nanay sakin.

Oo alam kong noon palang ayaw niya na kay jake pe-pero hindi niya yun gagawin sa akin.

"Please maniwala ka sakin minahal kita!!"sigaw niya ngunit may bahid ng pagkaklaro.

"Tangina jake cge nagpaalam kana kung nagpaalam ka!!!,pero pano yung sainyo ni matilda?

"Anong samin ni matilda?!"

"Maang maangan ka nanaman!!"pagsigaw ko.

"Hindi ko alam sinasabi mo okey,anong kay matilda anong samin eh kapatid ko lang naman siya!!"

Bahagya akong nagulat sa sinabi niya,ka-kapatid niya si matilda pero paano?!.

Gulong-gulo na ako kaya napakamot nalang ako sa ulo ko.

Hindi ko alam ang gagawin.

"Ka-kapatid?"mahina kong tugon sapagkat napapagod na din ako.

"Paano mo naging kapatid eh diba ilang taon na kayo magjowa sa-sabi sakin ni ava matagal na daw kayo!!!"pagpapaliwanag ko.

"Well, charlotte kung ano man yang mga sinabi ni ava, lahat yun kasinungalingan"

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko si ava na pinagkatiwalaan ko simula unang araw ng pasukan niloko lang ako.

Tinuring ko siyang bestfriend.

Naghalo-halo na ang nararamdaman ko.

Wala na akong naisip gawin kundi ang tumakbo.
Tumakbo ako ng mabilis hindi ko alam kung saan ako pupunta
Alam kong mahahalata ni inay kung makikita niya akong ganito.

Dadagdag pa ako sa problema niya.

Nandito ako sa parking lot ng isang mall malapit saamin dito ko naisipang tumambay pansamantala kasi madilimdilim dito,tulala lang ako at hindi alama ang gagawin.

Hanggang sa may narinig akong mga lalaking sumipol sa akin.
Bahagya akong na patingin sa pinaroroonan nila palapit sila sa akin kaya binalak kung tumakbo ng mahigit na ng isa ang kamay ko.

"Miss dito ka lang muna,join us"pagsabi ng isa lalaking brusko.

"Bitawan moko!!!"pagpupumiglas ko.

Kinakabahan ako sa tingin lang nila makikita mo na ang kamanyakan at mukhang may binabalak na masama.

Lumapit ang isa sa kanila at hinawakan ang baywang ko.

Nakakadiri.

"Please, stop ....tulong!!!!tulong!!!!"pagsigaw ko.

Umaasa ako na baka nasa paligid pa si jake ngunit malayo to sa pinag-iwanan ko sa kanya.

Hindi ko makuha ang cellphone ko sa aking bulsa dahil hawak ako ng isa sa kamay.

Habang ang isa naman ay patuloy parin sa paghawak sa akin para niya akong kinikilatis tinitignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Ano dalhin  na natin sa malapit na hotel to!!"pagkarinig ko na sinabi ng isa na sinang ayunan naman nung isa.

Sinuntok ako sa tiyan ng isa alan ko nang parang binabalak nilang patulugin ako pero nilakasan ko ang loob ko isang suntok lang iyon.

Bahagya akong susuntukin ng isang lalaki napapikit nalang ako ngunit wala akong naramdamang masakit sa akin, wala narin akong ramdamang kamay na nakahawa sa baywang ko o sa kamay.

Iminulat ko ang aking mata ng makita ang dalawang lalaking nakabulagta sa aking harapan.

Gusto ko sanang magtanong kung anong nangyari nang bigla ko nang maramdaman lahat ng sakit sa aking sikmura at nawalan ng malay.

No New, Still YouWhere stories live. Discover now