Chapter 8: The Succession Plan
(Xyrene)
Peste! Pinapainit talaga kahit kelan ng White Larynx ang ulo ko. Kahit kelan napaka-unprofessional nilang Assassin.
White Larynx was also know as a Larynx Killers. Lahat ng mga target nilang patayin ay most of the time ay sa leeg o sa larynx nila puntirya. They kill their prey in just a snap of their hands.
Sila ang isa sa mga sikat na Assassins ng America na pinapaburan ng American Government. I dunno why did that government do that but one thing is for sure. Security parin ang pinapahalagahan.
Pero naiinis ako sa attitude nila kapag walang pinapagawa sa kanila ang Boss nila. Bakit? Dahil mas pinipili nilang manira ng gamit ng iba. They love to make other things be ruin by their own hands.
In short, pinapasabog o sinisira nila ang mga establishment na natitipuhan nilang pasabugin. They don't even care kung may masasaktan o mamamatay sa ginagawa nila. At iyon ang ayaw ko.
"Anong na bang gagawin natin White Larynx na iyon?" Tanong sa akin ni Andrei pagkauwe namin sa Well-Furnished Apartment slash Assassin Organization Area.
Tch... Walang pakialaman kung ganyan ang tawag namin sa bahay na iyon. Trip ni Eliza eh.
"Wala." Cold kong sagot sa kanya.
"Sabagay... Pakialam ba natin sa mga iyon." Nasabi nalang ni Andrei.
"But Xyrene, ang pinagtatakahan ko. Bakit ngayon lang uli sila lumabas? It's almost 6 months ng huli silang manggulo diba? Ang tahimik nga nila nung 6 months na yun eh. I wonder why." Sabi ni Eliza.
Napaisip ako sa sinabi niya. Napansin ko ngang nitong nakalipas na anim na buwan ay wala akong napapabalitaang sumabog o nasunog na establishment sa kahit saan mang panig ng mundo.
At isa pa. Kung may mission sila na pinapagawa ng Boss nila, I wonder why kung bakit tatagal iyon ng anim na buwan.
Nawala ang mga iniisip ko ng biglang magsalita si Akihiro. "The Warlords are watching us on our fight a while ago." Tinignan namin siya.
"Really? Diba dapat lumabas na sila noon ng bar dahil nasusunog na?" Tanong ni Eliza.
"Eliza, be optimistic... They're gangsters for goodness sake! Natural lang sa kanila ang macurious na manuod ng isang laban." Andrei said to Eliza.
Binatukan siya ni Eliza. "Syempre alam ko yun sira!!!" Bulyaw nito kay Andrei.
"We need to shut them up." I said na kinalingon nila.
"ARE WE GOING TO KILL THEM?" Sigaw nila bigla sa akin.
Sila kaya unahin ko. "Sapak gusto niyo? At sinong nagsabi?" Tanong ko sa kanila.
"Ikaw~" sabay-sabay nilang turan.
Binato ko nga ng isang platito, plato, at mangkok ang mga ito. Nasa sala kasi eh. Nakakalat, di pa kami nakakapaglinis kaya andito sa sala. "At saang part ng sentence ko sinabe na papatayin ko sila aber?" Tanong ko muli sa kanila.
Nagsiilagan naman sila at sumagot. "Sabi mo we need to shut them up." Sagot ni Andrei.
Binato ko nga uli ng kutsara! Asar ah. Mga slow! "Well, unfortunately... Ang ibig kong sabihin doon ay patahimikin sila sa mga nakita nila. Lalo pa't nakita nila tayo kahit pa nakamaskara tayo kanina. Mga SLOW!!!" Paliwanag ko sa kanila.
Nagkatinginan naman sila sa isa't isa.
Mga slow talaga!
"Aaaah. Akala ko naman..." Sabi nila.
BINABASA MO ANG
Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)
ActionXavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin who is seeking for answers why her man has been taken away just like that. Two persons looking for answers and the only way for them to know...