Chapter 17: The Battle begins here (Part 2)

125K 1.9K 113
                                    

Xyrene Coltrane

"WHAT HAPPENED?" TANONG ni Eliza kay Xyrene pagkabalik ng dalaga mula sa Restaurant. Hindi niya ito sinagot bagkus ay agad siyang nagpunta sa kanyang kwarto.

Nang makahiga'y napatuon ang kanyang tingin sa kisame at hindi namalayang lumalim ang kanyang iniisip. Bakit niya pa ba kailangan pang isipin iyon?

Pinuntahan niya kasi si Xavier no'ng marinig ng kanyang tainga ang daing ng binata. Tapos na naman niyang patayin 'yung mga bumaril sa kanila kanina at nagtira ng isa para matanong kung sino ang nag-utos sa kanilang paulanan sila ng bala. Pero dahil sa gigil na gigil na siya no'n ay pinatay na niya lahat.

Tama ang kanyang hinala na kaya ito dumaing ay dahil may daplis ito sa braso. Kaso napansin niyang parang hindi naman yata tama ng baril iyon. Parang may patalim na tumarak sa braso nito.

He just glared at her na siyang kinatigil niya no'n nang hawakan niya ito. Hindi niya iyon inasahan kung kaya't napaatras siya ng bahagya. He never used that kind of stare at her kahit na hindi pa sila ganoong magkakilala. Ngayon lang.

Tutulungan pa sana niya ulit ang binata no'n kaso tinabing nito ang kanyang kamay ng malakas. Bubulyawan na sana niya ito kaso mabilis na nakarating sa kanila ang mga pulis maging ang pamilya nila.

Napatalukbong siya ng kumot at doon nagtititili. Frustrations and curiousity is killing her. Bahala na nga iyong gagong iyon. Wala naman siyang ginagawa hindi ba?

* * *

Eliza Altamirano

NAGLALARO si Eliza ng Candy Crush sa kanyang computer nang marinig niya mula rito ang boses ni Akihiro na kararating lang.

"Dumating na ba si Xy?" tanong ni Akihiro.

"Oo nasa kwarto na niya. Bakit?" Tugon niya rito at nagtanong pabalik.

"Anong oras siya nakarating?"

"Mga ten minutes bago ka nakauwi. Pagod yata dahil dirediretso sa kwarto niya. H'wag mo na lang istorbohin."

"Bakit daw?"

"I don't have any idea."

Hindi na muli ito nagtanong pa at pumanaog na sa taas. Iwan daw ba siya ng walang pasabi? Itinuon na lamang niya muli ang paglalaro ng pesteng mga jelly crystal na 'to. Bakit ba kasi ang hirap kung minsan laruin nito?

Habang siya'y naglalaro ay biglang tumunog ang isang alarm message ng isa pa niyang computer sa kaliwa.

Para magkalinawan, siyam ang monitor ng buong set na ginagamit niya. Meaning, siyam na magkakaibang monitor pero 'yung iba, pang isahan lang. Nakasabit ang mga monitor sa isang transparent glass para mapagsama sama.

At para saan ang siyam na monitor? Bawat isang monitor may sariling linya sa iba't ibang satellites na nasa space. Lahat iyon ay nakakonekta sa iisang server na gamit niya.

At upang hindi ma-track ng NASA at ng iba pang bansa na may satellites ay gumawa siya ng isang software upang maiwasan ang ganoong klase ng senaryo.

Malaki rin ang pakinabang software na ginawa niya sa kadahilanang kaya rin nilang makita ang buong lugar sa isang malayong tingin. Mapa kung'baga, kapag naiipit sila sa mga pulis ay madaling matutukoy ng software niya ang pinakamabilis na lugar na pwedeng nilang pagsingitan miski eskinita pa 'yan upang makatakas.

Nagulat siya pagkatapos mabuksan ang nilalaman ng message na dumating sa kanya.

Headline video na galing sa iba't ibang CCTV cameras. At nagkataon namang kuha ito sa CCTV camera ng restaurant na pinanggalingan ni Xyrene.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon