BAKAS SA APAT na Warlords ang pagkabigla nang magsimula nang magpaliwanag ang mga Death Keepers sa kanila. Gulat na gulat sila at talagang hindi makapaniwala lalo na ng inamin ng tatlo na hindi sila mga gangster, na sila talaga’y mga Assassins— Black Death Assassins.
"Hindi ako makapaniwalang isa kang mamamatay tao," mahinang utas ni Marco sa pinsang hindi man lang ininda ang may himig na insultong saad nito sa binata.
Ipinatong ni Andrei ang isa niyang binti sa kaliwa niyang hita. "Isn't cool?"
"Paano naging cool ang pumatay ng tao?"
Ipinagkibit balikat na lamang ni Andrei ang tanong na inutas ni Marco.
“Hindi ba pinagbabawal sa’tin ang ipagsabi kung sino tayo?” bulong ni Eliza sa dalawa.
“Ang sabi sa oath, thou shall kill those people who will reveal our mask. Meaning, we’re allowed to say that to anyone.” Bulong pabalik ni Andrei.
“At nasa sa’yo na ang responsibility na bantayan ang taong ‘yun para hindi niya ipagkalat. Kapag ipinagsabi niya sa iba... kill,” dugtong ni Akihiro.
“Hey, hey, hey, ano ‘yang pinagbubulungan niyo?” tiningnan ng tatlo si William na nanliliit ang matang nakatingin sa kanila.
“Pinag-uusapan namin kung paano ka namin papatayin. Napakamausisa?” pabalang na sagot ni Eliza habang umiirap pa.
“Aba’t—!”
Susugod sana si William nang pigilan ni Marco. “Stop.”
Kitang kita ng tatlong assassin ang pagbuntung-hininga ng binata bago sila muling tiningnan. “Then, ano ‘tong planong sinasabi ni Xyrene? Kung patay na siya, paano pa niya tatapusin ang laro ni Sy na nilalaro rin niya?”
Isa iyan sa mga siniwalat sa kanila ng Death Keepers— or should he say, Black Death Assassins. Sinabi nila na ang tanging dahilan kung bakit sila naririto ay dahil gustong laruin ni Xyrene ang laro ni Sy na siya niyang pinagtakhan. Ano ba talaga ang totoong rason ng dalaga nung sinabi niyang lalaruin niya ang laro ni Sy? Alam niyang may kahulugan ang mga iyon. At hindi lang iyon basta basta.
“Actually, nitong nakaraang araw lang namin napagtanto ang lahat. Maniwala’t kayo sa hindi. Hindi nasabi sa amin ni Xyrene ang kabuuan ng kanyang plano kasi lagi niyang sinasabi sa amin noon na lahat ng nangyayari ay naaayon raw sa plano. But then again, nung unang tapak namin rito, iisa lang ang pumasok sa isipan namin kung ano ang plano ni Xyrene...” paunang paliwanag ni Akihiro.
“Ano iyon?” tanong nila.
“A drastic assassination,” sagot ng tatlo.
“Drastic what?”
Tumayo si Akihiro mula sa pagkakaupo niya sa sofa na napasukan nilang Assassin’s Unit at naglakad diretso sa may bintanang natatakpan ng isang malaking kurtina. Hinawi nito ang kurtina at pasimpleng may tinitingnan mula sa labas.
“Ang pagpapasabog ng isang malaking lugar... na may libo libong tao.”
Nagsinghapan ang apat na Warlords sa narinig. Tila isang bomba ang sumambulat sa kanilang mukha.
“T-Teka, libu-libo? Y-You mean, tulad nung sa pagkamatay ng maraming tao sa birthday arty ng asawa ni Emmanuel Sy?” nauutal na tanong ni Harold na ngayo’y napatigil na talaga sa pagkalikot ng laptop niya.
“Exactly,” sagot ni Akihiro. “Actually, dapat si Mrs. Sy lang naman ang papatayin namin. But Dark Scheduler was merciless that time. We don’t know why.”
“Sinubukan nga namin siyang tanungin noon kung bakit nag-iba ang plano, but she refused to answer us.” Pagpapatuloy ni Eliza.
Sandaling nanahimik ang ilan at muling bumalik ang malamig na awra sa paligid nila. Hanggang si Marco na mismo ang bumasag ng katahimikan.
BINABASA MO ANG
Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)
ActionXavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin who is seeking for answers why her man has been taken away just like that. Two persons looking for answers and the only way for them to know...