Chapter 38: Execution of Plans

81.6K 1.9K 220
                                    

NAPAKATAHIMIK NG GABING iyon. Simula nang bumagsak ang katawan ng isa sa tinuturing Legendary Assassin na ngayon ay isa nang malamig na bangkay ay namutawi ang iba't ibang reaksyon mula sa mga taong may pakialam. Sa sobrang katahimikan ng gabi ay wala ka nang ibang maririnig na iba kung'di ang mga kuliglig sa labas at ang mga hikbi ng isang binatang nawalan ng minamahal.

"I'll kill him." Anas ni Akihiro habang nagtatago silang tatlo sa isang sulok at tahimik na nanunuod sa mga nangyayari.

Maagap na hinawakan ni Andrei ang braso ng binata nang maglabas na ito ng swiss knife na nakatago sa bulsa nito.

"Stop it, Akihiro--!"

"'Wag mo 'kong pigilan, Andrei, at baka ikaw ang mapatay ko."

Nalintikan na! Utas ng kanyang isip.

Tinanguhan niya si Eliza na hanggang ngayon ay naiyak sa nangyayari. Sino ba naman ang hindi maiiyak kung isang matalik na kaibigan ang nawala kay Eliza?

Parehas nilang hinawakan ang magkabilang braso ng binata at mariing binalibag sa dingding ng kanilang pinagtataguan.

Mabilis niyang tiningnan ng masama si Akihiro.

"Don't kill him! 'Wag mong sirain ang plano, Aki!" singhal niya rito sa may maliit na boses.

Hindi sila pwedeng umalis rito hangga't hindi pa nila nakukuha ang bangkay ni Xyrene. Pero duda rin siyang makukuha nila 'yun. Base sa hilatsa ng mukha ni Xenon, panigurado nagising na ito sa galit at ngayo'y nagluluksa sa katangahang ginawa sa pinakamamahal.

"The plan is already aborted, Andrei. She's gone!" singhal nito pabalik.

Kitang kita niya kung paano pangiligiran ng luha ang binatang kaibigan.

Sa tanang buhay niya, ito ang pangalawang beses na nakitang pinaligiran ng luha. Ang una noo'y noong nag-aagaw buhay si Xyrene dahil sa nangyari sa mansyon ng mga Villareal. At ang pangalawa, ay ngayon. Ngayong gabi mismo.

Miski siya'y hindi maiwasan ang hindi mapaluha ngunit pinipigilan niya iyon. Kahit masakit sa lalamunan. Dahil kahit ang kaibigang nililigawan niya noon ay wala na, isa itong naging mabuting kaibigan sa kanya at pamilya ang turing sa kanilang tatlo.

But, no! This is not the time to be weak, Andrei. Kahit ikaw nalang ang matirang matatag sa inyong tatlo. 'Wag kang iiyak... 'wag muna.

Tinapangan niya ang kanyang mukha bago muling nagsalita. "Pero kahit na wala na siya, we still need to finish these. We need to finish her plan."

"I know it's hard. I know it hurts. Miski ako gusto ko nang umiyak, Aki. Pero gusto kong tatagan ang loob ko. Hindi dahil wala akong pakialam sa pagkawala niya kung'di dahil sa gusto kong matapos ang nasimulan niya." Pagpapatuloy niya.

Nakita niyang natigilan ang binata dahil sa mga sinabi niya.

Napatingin sila muli sa kanilang minamanmanan nang maramdamang gumalaw na si Xenon mula sa pagkakayakap nito kay Xyrene.

Doon nilang napagtantong wala na sa paligid si Hidalgo.

Shit! Nakatakas ang hayop!

Napabalik muli ang kanilang tingin nang binuhat na ni Xenon ang katawan ni Xyrene in a wedding style position.

Aalis na sana ito nang biglang may nagkasa ng baril.

Napasinghap sila at naging alerto. Nakita nilang tumigil rin si Xenon at hinarap ang taong iyon.

"Take her body down." Simpleng saad ni Cindy.

Hindi man lang nag-abalang gumalaw o sumunod ni Xenon. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa dalaga.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon