Chapter 5: The Ordinary Life

161K 2.6K 344
                                    

Chapter 5:

The Ordinary Life

Narrator 

"Oy! Xyrene! Aba! Tumayo ka na d'yan aber! Baka mahuli tayong apat sa pag-enrol." Sigaw ni Eliza kay Xyrene.

Umungol ang dalaga na tila naiinis. "Pwede ba Eliza! Mamaya nalang? Antok pa ako!"

"Aba nga naman Xyrene. At kailan ka pa tinamad? Mukhang nakalimutan mong may magrereport kina Tito at Tita kapag di ka pa nakapag-enrol?" Pang-alaska ng kaibigan sa dalaga.

Dumaing siya ng impit na ungol, tanda na inis na siya umagang umaga palang "FIne! Eto na! Babangon na 'di ba? Eto na! Nakikita mo naman 'di ba tumatayo na."

Napatawa ng bahagya ang kanyang kaibigan. "Good. Akala ko may sasabihin ka pa eh."

"Whatever Eliza" sabi ni Xyrene at tuluyan nang pumasok sa banyo.

PAGKALABAS NITO NG kwarto dahl nakapaligo na siya lahat-lahat. nakausot na rin siya ng simpleng damit na hindi mo nanaising malaman kung anong klase at pumunta sa hapagkainan kung sa'n nakita niyang nag-aalmusal na ang iba pa niyang kasama sa apartment na kanyang tinutuluyan.

"Oh... Buti naman at bumangon na ating Mamamatay Prinsesa." Bati sa kanya ni Andrei at binigyan niya ito ng nakakamatay ng tingin.

"Kung gusto mong maging maayos ang araw mo ngayon Andrei, you better shut your talkative mouth." Sabi niya sa binata habang naupo sa isang upuan ng dining table.

Pagkaupo pa lamang niya ay nagulat naman siya ng marinig siyang sumigaw.

"OMG!! XYRENE! 'DI BA SABI KO SAYO, HUWAG KA NANG MAGSUSUOT NG GAN'YANG KADIRENG DAMIT?!" Hysterical na sabi nitong si Eliza.

"Ano bang problema mo sa fashion style ko Eliza? Kita ba katawan ko? Mukha ba akong walang suot?" Tanong niya sa kaibigan na tila bigyan na lamang niya ito ng kandila ay pwede na itong humiga sa ataul at ilibing ng buhay.

"Wala naman Xy, it's just that, masyado kasing laos na?"

"Thanks for the wonderful COMPLIMENT Eliza." She said sarcastically.

" Welcome. But still, ang pangit pa rin niyan at nakakadiri"

"Whatever Eliza" Nasabi na lamang ng dalaga bago kumuha ng hotdog sa may mesa.

"Hoy! Xyrene! Ni hindi ka man lang mang-alok at nakain ka na diyan?" Tanong sa kanya ni Akiro kapagkuwa'y tumabi sa kanya.

"Kailangan pa ba no'n? Oh ano na? Kain na!" Nasabi na lamang niya.

Napaka talaga nitong babaeng 'to. Bulong ng tatlo. 

"Ano 'yon? May sinasabi kayo?" Tanong ni Xyrene.

"Wala! Sabi namin tara kain na!" Si Eliza na ang sumagot. 

Nagkibit na lamang ang dalaga habang masayang nilalantakan ang hotdog na hawak habang sinasawsaw sa ketchup.

"Nga pala. Anong course ang ite-take mo Xyrene?" Natanong ni Akiro.

"Course ko? Business Management. Sa tingin niyo ba may prefer akong course na gusto? Criminology baka pwede pa." Sagot ni Xyrene habang nanguya.

"Oo nga naman pare. Si Xyrene? Xyrene Coltrane? Na anak nina Mr. & Mrs. Coltrane? Na Heiress ng Coltrane Empire? Ang American Mafia Princess slash The Legendary Assassin na si Dark Scheduler? May prefered course na kukunin? Ang pinakamasipag na mag-aaral? Oh come on!"

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon