Chapter 43: His Evil Plans

81.1K 2.1K 390
                                    

Marco Villafuerte

"NASAAN NA BA 'yung tatlo?!" sigaw ni Marco habang patuloy pa rin silang nakikipagpalitan ng putukan sa mga kalaban.

Hindi pa kasi nakakabalik sina Akihiro at Andrei mula nang sinundan nila ang traydor na si Eliza.

"Hindi kaya kasabwat rin yung dalawa?" paghihinuha ni William.

"I highly doubt it, William."

"At bakit naman? Nang-traydor na si Eliza at hindi malayong traydurin tayo nina Andrei at Akihiro."

"No, walang rason para ngayon sila bumaligtad," utas ni Charles habaang kinakargahan ang dalang baril.

"Tama," pagsang-ayon niya rito.

"Eh bakit nga?"

"Simply because their leader has a plan."

"Plan? What plan? Leader? Si Xyrene? But she's dead already-"

"She's not," utas niya na kinalaki ng mata ni William.

"P-Pero p-paanong..."

Sa huling bala mayroon siya, ay inubos niya iyon sa isang kalaban. At mabilis nilang tinungo si Harold.

"Like I've said, because their leader has a plan. Gaya ng sinabi nina Andrei kanina bago tayo sumugod..."

Naalala niya muli ang nangyari kanina...

"Y-YOU'RE ALIVE" TURAN niya kay Xyrene nang makalapit na silang tatlo.

"But of course, I'm alive."

"Xy..." nilingon ng dalaga ang pinsan niya.

"Missed me?"

"Damn much!" yayakap sana ang pinsan niya sa dalaga nang tinutok ni Xyrene ang dulo ng baril nito at tinulak palayo.

"H'wag mo 'kong yakapin, ang baho mo."

"Ikaw na nga 'yan. The straightforward queen is back." Tanging tugon ni Andrei.

"How did you survive?"

Tiningnan siya ng dalaga nang hindi mapigilang magtanong, "Kinuwento ba lahat ni Selena ang lahat lahat about the Apollo?"

Alangan siyang napasagot. "I think so?"

"That's good, in that case, answer your own question of how did I survived."

Pagkasabing iyon ni Xyrene ay mabilis na binalingan nito si Andrei. "Nasaan na sina Akihiro and Eliza?"

"Kasamang hinahanap supposedly ang katawan mo, because we've already completed the hidden answer of the formula." sagot ni Andrei.

"Good. Puntahan niyo sila ngayon," utos sa kanila ni Xyrene. "Puntahan at sabihan na lahat ng makikitang kalaban, patayin kung kinakailangan."

Hindi na sila nakaumang sa utos nito. Aalis na sana ito nang pigilan ni Andrei.

"Sa'n ka?"

Xyrene smiled at him, "I need to execute the plan, Andrei. 'Yung matagal ko nang utos sa inyo... gawin na. And,"

Napatingin sa kanya ang dalaga.

"Marco," napapitlag siya sa tawag nito. "After niyong ma-secure ang area. Pumunta kayo ng GVA Battle Arena. Hintayin niyo kami do'n."

"Teka, Xyrene, alin sa plano mo ang gagawin mo?"

"I need to help someone,"

"I'll help you," pagprisinta niya ngunit mahigpit na tinutulan ng dalaga.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon