Chapter 27: The GVA Bidding

125K 2.2K 1.2K
                                    

Sorry for the long wait! May mag-ca-cameo rito na galing sa ibang story. Kapag cameo ibig sabihin dito lang sa chapter na ito sila mababasa. At dahil characters niya ang gagamitin ko, i-dedeicate ko 'to sa kanya. LOL

And one more thing, ang bobo ko na pala sa english? Seryoso.

___________________________

Chapter 27

"ANG BOBO KO! Ang bobo ko! Ugh!" Paulit ulit na sabi niya sa sarili habang nakasabunot sa kanyang buhok. Bumabalik muli kasi sa kanyang isipan ang katangahang ginawa niya kanina. Ang gago eh.

"Tarantado ka kasi 'tol. Akalain mo ba naman kasing gantihan mo 'yung Akihiro na 'yun eh, ayan, nagbackfire pa tuloy sa'yo." Untag ni Harold sabay bungisngis.

Bumungisngis rin ang iba kaya tinapunan niya ito ng masamang tingin.

"So... pffft! Ano nang gagawin mo? Mukhang sa ugali pa man din ni Xyrene eh, hindi ka no'n papansinin."

Napatingin siya lalo ng masama kay Charles.

"Shut up." Mariin niyang sabi.

Nagtawanan lamang ang mga kaibigan niya ngunit hindi na niya iyon pinansin at nilagok na kaagad ang iniinom na Jack Daniels.

"Pero you know what, Xavier..." Napadako ang kanyang tingin kay Marco. "... Kung hindi ka man no'n papansinin eh 'di ibig sabihin no'n, may gusto siya sa'yo or much better. She's inlove with you."

Natahimik siya sandali sa sinabi ni Marco. Posible nga kayang kaya siya ganoon eh dahil maaaring may gusto ito sa kanya?

So, ibig sabihin, hindi na one-sided-LIKE ang nagaganap sa kanila?

Sa isiping iyon ay tila gusto niyang ngumiti ng sobrang lapad. Hoooh! Napailing siya nang maramdaman niyang namumula ang kanyang mukha.

"Uyyy! Si bossing, kinikilig. Hahaha" Binato niya ng isang unan si William sa panunuya nito sa kanya.

"Gago!" Bulyaw niya.

"Inlababo ka naman. Hahaha" Kapagkuwa'y nagtawanan ang apat na binata.

Ininom na lamang niya ang kanyang natitirang inumin at lihim na napapangiti.

Shit! So fcking gay! Damn it. But I can't help myself but to smile.

Tumayo siya at nagpunta ng terrace ng unit nila. Nakakaburaot kasi ang ingay ng mga kaibigan niya. Potcha, ang lalandi ampota.

Tinungga niya muli ang hawak na kopita kapagkuwa'y napatingin sa ulap.

Gabi na at kitang kita mula sa kinatatayuan niya ang bilog na bilog na hugis ng buwan. Ang mga nagkukuminang na mga butuin sa langit at ang nangingislap na dagat gawa ng liwanag ng buwan na dumadapo rito.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon