Pandora's Battle
In this stage of battle, maaari nang makagamit ang bawat manlalahok ng sandatang makakatulong sa kanila upang sila'y manalo. Ngunit ang bawat sandatang pipiliin ay nakabatay sa mabubunot ng kani-kanilang pinuno.
What are the rules implemented in this battle stage?
- No trading of weapons
- Each participants will be given a five minutes fight battle
- 10,000 Life Points is at stake on their Enemy Identifier.
- Once the Identifier has stated your opponent, the five minute game starts
- Once you failed to kill your opponent in a five minutes rule, then your life points will be the alternative way to know who among the two of you is the winner.
- Lastly, the first pair of participants who could win in just a short period of time will be given a clue regarding on the Bonus Prize of the whole Battle.
* * *
“AYOS NA BA ang lahat?” tanong ni Xavier sa mga kasamahan niya sa Warlords Platoon. Inaayos na niya ang kanyang sarili sa harap ng isang malaking salamin nang siya’y nagtanong. Tiningnan niya sa repleksyon ang mga kasama. Si William (Voice Box) at Charles (Gate Crasher) ay pawang nangingitata ng chichirya sa may bar stool; si Marco (Silent Keeper) na nakaprenteng nakaupo sa may sofa nila at; si Harold (Solemn Hacker) na busy sa pagkalikot sa Ipad nito.
“Almost done...” rinig niyang sagot ni Harold.
Binigyan niya ng ilang mga gawain ang apat na ito bilang paghahanda na rin sa magaganap na tunay na laban sa pagitan nila ng Death Keepers. To be honest, hindi siya threaten. And he will never. It’s just that...
“Hindi ko talaga aakalain na seseryosohin mo ang susunod na battle stage, Xenon.”
Tiningnan niya sa repleksyon ng salamin si Marco na ngayo’y nakangising aso sa kanya habang sinaad ang tinuran nito.
“I am not, dude.”
“Then bakit mo pinagkakaabalahang alamin ang specialties ng Death Keepers, pare?” nilingon na niya ito at sinamaan ng tingin.
“Haven’t you noticed the scar on her belly, ‘tol?”
“Ni Xyrene? Bakit? Dahil ‘yun ang patunay mo na siya ang pumatay sa nobya mo, Xenon?”
“Oo. Alam ko dahil kahit wala akong maalala nang dahil sa insidenteng ‘yon ay may isang bagay ang hindi ko nakalimutan. At iyon yo’n ‘tol!”
Hinding hindi niya makalimutan noon ang isang parte ng nakalimutan ng utak niya na sapantaha niya’y ang nag-ugat sa kanya upang maghiganti.
Iyon ‘yung senaryong kung saan nagising siya ng bahagya at nakita ang sarili sa may gilid noon ng kalsada. Sa kanyang pagdilat no’n ay isang babae ang kanyang naulinagang may inaayos sa mukha bago tuluyang umalis. Ngunit dahil alam niyang lahat ng nasa paligid niya ng mga panahong iyon ay kalaban, mabilis niyang nakapa sa bulsa niya ang tinatagong patalim. Kahit na hirap na hirap noon ay nagawa pa niyang makatayo at sumugod sa dalagang iyon. Nasugutan niya ito sa may balakang nito. Kitang kita niya ang agos ng dugo sa parteng nahiwaan at nagkorteng ekis.
Napatawa ng pagak si Marco. “So, you’re still on your revenge thingy, huh, dude?”
Hindi niya ito sinagot bagkus ay itinuon niya ang pansin kay Harold. “May nakalap ka ba tungkol sa kanila?”
Bakas sa mukha ng binata ang salungat sa inaasahan niyang sasabihin nito.
“Actually, hinanap ko na ang lahat ng record nila as gangsters dito man sa Pilipinas o ‘di kaya sa ibang bansa ngunit walang Death Keepers ang lumalabas e.”
BINABASA MO ANG
Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)
ActionXavier Villareal- a Gangster who is looking for someone who killed his beloved. Xyrene Coltrane- an Assassin who is seeking for answers why her man has been taken away just like that. Two persons looking for answers and the only way for them to know...