CHAPTER THREE: Sweet Fantasy

163 9 3
                                    


Jamie's POV


"Maaaa, I'm home!" Pagkababa ko from our school service, hinanap ko kaagad si Mama. Alam ko kasi, half day lang siya ngayon. Nagtext kasi siya kanina. I wonder why? Nagulat ako nung sila kuya ang sumalubong sa akin.


"My handsome kuyas are here? Wala pa ba kayong pasok?" Sa Manila kasi nagka-college sila kuya kaya monthly lang sila nakakauwi dito sa Bulacan. Hindi pa siguro start ng classes nila pero lumuwas na kasi sila last Friday kaya nagulat ako na nandito na naman sila.


"Next week pa, Jamie. Dad fetch us this morning kasi may get together daw with Tita Gina's family." Sagot ni diko sa akin. Ngumiti siya pagkatapos ay tinaas-baba pa niya yung kilay niya. Hmm.. I know what that means! Siya kasi ang unang nanunukso sa akin kay Kenji.


"Aaah.." Simple kong sagot. Pero deep inside nagwawala na lahat ng system ko sa katawan! Pupunta raw sila Tita Gina? It means kasama si Ken! I should look presentable for him. Dali, dali, dali! What should I wear? I wanna look nice pero I don't wanna be overdressed either.

Hayyyss... hayaan na nga, I just settled for my maong micromini shorts & a loose jersey Lakers top.

Mom served Filipino foods para sa mga balikbayan. Kare-kare, adobo, lechong paksiw, pinakbet at grilled tilapia. Nag-order din sila ng kakanin for desert. May puto, kutsinta, biko at maja blanca. While setting the table, dumating na sila Tita Gina with Tito Kenneth & Kenji. Dad opened the gate at sinalubong na sila ni Momsie at Papsie. Just like the old times, huh?


"James! Mira! so good to see you again." Bungad ni Tito Kenneth. Hinila na ni mama si tita sa kitchen para matapos na yung pag-prepare ng table.


At si Ken? Ayun dumiretso na kila kuya, high five dito, batok dyan, bira dito, yakap dyan. Parang mga abnormal talagang magbatian mga lalaki puro kaharutan. Aigoo~


"Chubby cheeks!!!" Nakakurot na naman 'tong isang to pero kinikilig naman ako.


"Mga bro, may admirer na tong si Jamie, nagdadalaga na talaga little sis natin." Awts! little sis? So 'yun talaga tingin sa akin ni Kenji? Parang kinurot ang puso ko sa narinig ko'ng 'yun. So I just pouted at lumayo na lang ako sa kanila.


"Immume na kami, pati dito sa bahay, katakot-takot ang mga bulaklak at regalong dumarating. Don't worry, di pa magbo-boyfriend yang little sis natin. She has her unique way of dumping her suitors na di sila nao-offend." Paliwanag ni diko. Tsk! Kung pag-usapan ba naman ako parang di ko naririnig!


"Hmpf! ako na naman napagtripan niyo.." Pero lalo lang nilang nilakasan ang pagtawa nila!


"Saka tatandang dalaga yan. Panget-panget nyan oh." Dagdag pa ni Kuya Jon habang hindi mapigilan ang pagtawa. Seriously, Kuya Jon? Ang tanda mo na ang galing mo pa ri'ng mam-bully! Ang mean talaga nila! Tumatawa lang din si sangko, buti pa siya di palaasar. Grabe naman kasi yung sinabi ni kuya.


_______


After dinner, nag-inuman sila maliban sa akin. Allergic kasi ako sa alcohol. Our parents decided na mag-overnight na lang sila Ken sa house. Early morning na lang daw sila uuwi. Sa guest room yung mag-asawa tapos sa room ni diko matutulog si Ken, pinaka-close kasi siya dito dahil pareho silang adik sa basketball.


Teka! May homework nga pala kami!


"Kengkoy! Are you done with our homework?" Pinilit ko naman na 'wag na siyang tanungin pero, concerned lang naman ako.


"Nope. Pakopya na lang-- Hehe.. Joke! Tara research na natin para maaga ka makatulog." I doubt it kung kokopya siya. Ma-pride kaya ang isang yan!

Iniwan na namin sila mama sa terrace dahil magre-research pa kami. We went to my room dahil may PC naman ako dun, siya na yung umupo at kinuha yung list of questions sa akin. Dumapa na lang ako sa bed ko while watching him google.

Sobrang inaantok na ako, halos ala-una na ng madaling araw, tapos wala pa akong tulog kagabi sa kakalaro. Para na tuloy akong panda sa laki ng eyebags!


"Kengkoy, pag nakatulog na ko ipag-print mo na lang din ako ha?" Ayan! Ako naman kasi talaga ang tamad sa aming dalawa eh.


"Tsk. May tamadaytis ka pa rin pala until now. Ok no prob." Halakhak niya. Grabe! Ang cute talaga ni Ken, lalo na pag ngumingiti. Gusto ko pa talaga siyang titigan kaso.. inaantok na talaga ako.


Then I was already taken to my dreamland. Bukod sa puyat, dahil na rin siguro sa sobrang tuwa at nandito na siya ulit, classmate ko pa tapos ginagawa pa ako ng assignment. Hayysss..


It felt real but I know I was only dreaming.


Tinuturuan daw akong mag-bike ni Ken. Ang sweet naman namin... sinusulit ko na dahil alam kong panaginip lang. Kahit sa panaginip man lang. Nabuwal ako sa bike pero nakaalalay naman siya kaya di ako nasaktan. I held his hand for balance then he touched my face. Dahan-dahan siyang yumuko papalapit sa mukha ko, alam ko na kung saan na to papunta.


I just closed my eyes and wait for the moment then I felt his cool lips touched mine. I have no experience in these kind of things kaya hinayaan ko na lang.

It seemed so perfect.

I hope this dream won't end. And this kissing seems so real. He is doing it slowly and passionately and I can't help but kiss back.


"Hmmm.. " I moaned. Then suddenly I woke up from my sweet fantasy. I dunno why I can still feel him kissing me and I am feeling him caressing me.. then I felt the weight of his body against mine. Is this for real? 


"Hmm.. Jamie.." I opened my eyes then I realized na hindi na to panaginip!

Omo!

My body made a sudden jerk, and that's when we both came to our senses. I sit abruptly and fixed my hair.. How awkward..


"Jamie, I'm sorry.." He was flushed at pagkakita ko sa mirror, I was more flushed than him! And why is he sorry? Is he insulting me? Was he regretting it? Dagdagan mo pa ang pagiging awkward, Jamie..


"Luh! F-first kiss ko y-yun.." I mumbled. Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya. Hindi siguro niya nagustuhan? Hindi kasi ako marunong?


"Kengkoy naman eh!" I can't help but cry.



Ate Jen (=^w^=)

02/2015


My Secret Admirer [COMPLETED](UNDER MAJOR EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon