CHAPTER EIGHT: Physical attraction

136 8 6
                                    


Jamie's POV


Ngayon na ang simula ng paggawa ng Science project namin. Busy lahat ng mga estudyante kahit uwian na dahil pinag-uusapan nila kung saan sila pwedeng gumawa since it's a pair-up project. Kanina pa sinasabi ni Charm sa akin kung gaano siya ka-excited na si Kenji ang partner niya. May gusto kaya siya kay Kenji? Should I tell her that I like him too? Hays, nevermind.

Dahil palagi namang busy si Vince dahil siya ang President ng school council, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagche-check ng Facebook. Nakita ko'ng nag-PM pala sa akin si Kenji. Ano na naman kaya ang sasabihin niya? Lalaitin ba niya ako dahil hindi ako marunong humalik?

Nang mabasa ko ang message niya, nakita ko'ng nagsend lang pala siya ng kissing emoticon, kaya nag-reply ako ng 'KISSING MONSTER'. Hinanap ko kung nasaan si Kenji dahil nakita ko na nagta-type na siya agad para mag-reply sa sinabi ko nang maalala ko na may meeting pala sila ngayon sa HQ nila.

'I want another round, see you later after class.' Ganyan ang reply niya. Aba! sumosobra na siya! Hindi naman siya nanliligaw sa akin para maya't-maya kami mag-kiss! Kaya hindi ko na lang pinansin ang message niya at nagpatiuna na ako'ng lumabas ng classroom.

Maaga akong nakauwi dahil walang naging pasaway sa mga ka-service ko ngayon. Nagbihis na lang ako ng pambahay dahil magbe-bake ako ng favorite ni mama na chocolate chip cookies. Nang matapos na akong gumawa, pumanhik na ako sa room ko para mamahinga para makaligo na ako pagkatapos.


"Jamie! Nandito yung classmate mo.. Vince daw." Tawag ni manang sa akin.


Omo! Pupunta nga pala si Vince ngayon to talk about the project. Mukha pa naman akong di makaugaga sa itsura ko, black shorts at loose shirt na lumang-luma na. At ang hair ko? Para lang namang maglalaba na naka-messy bun! 

Aigoo!


"Yes, Manang! Bababa na po!"


Pagbaba ko ng hagdan nandun na nga si Pres. He's still wearing his soccer uniform dahil kaka-practice lang siguro from school. In fairness, ang cute talaga ni Vince, kahit puro pawis mukhang mabango pa rin. No wonder naging crush siya ni Charm. Naalala ko tuloy yung sinabi niyang si Vince ang no.1 sa list niya ng secret admirers ko! Hayysss! Parang naco-conscious tuloy ako. Random thoughts are crashing on my mind.


"Hi Vince! Tara sa may poolside para mas presko. Manang! Pa-prepare naman po ng cookies at-- " I asked Vince kung--


"juice or softdrinks?" He seemed a little shy.


"No, I'm okay. Wag na Jamie--" He even scratched his head in embarrasment.


"I insist! Ako nagbake nung cookies.." I even stomp my feet trying to convince him. As if namang may convincing powers ako sa kanya.


"Juice." Grabe.. juice lang yung sinabi niya pero parang nangse-seduce ang boses. Take note lumitaw pa yung mga dimples niya. Na naman..


"Manang, juice po! Tara let's start. May balita ka ba kung tungkol saan yung project ni Cher Al?" I guided him towards the poolside at saka kami naupo sa deck chairs malapit dito.

My Secret Admirer [COMPLETED](UNDER MAJOR EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon