CHAPTER EIGHTEEN: The New Him

140 8 0
                                    


Teddy's POV


It was my idea that we should give a welcome party for Kenji at dahil pinakamalapit sa SFAU ang house nila Roby Verdillo, na member din ng Phytons. Kaya nakapagdesisyon kami na dito na lang ganapin ang nasabing party.


Pero dalawang oras na kaming nag-iintay, wala pa ring lumilitaw na Kenji. Nagtext naman ako kanina pero walang reply. Tumatawag pero di sinasagot yung phone. Nag-cellphone pa ang lintek!



Si Kenji Park Arellano ay ang bagong team captain ng SFAU Phytons na kababata namin ni Jeremy Marcus Santos AKA Marc na diko ni Jamie at tropa ko. Wew! Ang haba nun ah.

Si Marc ang nag-recommend kay coach na si Kenji ang i-appoint na new captain nung nag-quit ang former captain namin na si Louie. Tutal ang laki ng experience ni Kenji sa basketball lalo na nung tumira siya sa U.S. for three years, mapa-freestyle pa yan, whole court, half court, etcetera, etcetera! Pinanganak na yatang may hawak na bola yang si Kenji. 


Si Marc kasi ay naging captain din ng Phytons, three years ago nung nasa 9th grade pa lang nun yung batch namin nila Jamie. At pagkatapos nun humalili naman si Louie after Marc graduated pero nag-quit naman siya this year sa pagiging captain. Dahil nai-stress daw siya. Psh! Kung alam ko lang, ayaw lang niyang nababawasan ang oras niya sa pambababae! Tungunu!

Manyak yun eh! Malibog?

Hay sa wakas, after forty years, dumating na rin si Kenji!


"Captain! Akala namin mang-iindian ka na, sayang pa naman ang daming chikababes dito." 

Ayan si Louie, nangunguna na naman sa kalandian. Dalawa pang babae ang kaakbay ng loko! 


"Wag mo na ngang hawahan ng kalandian si Kenji, ha Louie? Stick to one yan kay Jamie, di ba, captain?" 

Si Kurt naman sumisipsip pa kay Ken sabay hagis nung bote ng alak.

Pero bakit ganun? Parang sumama yung mukha ni Ken ah. Alam mo yun, yung parang nakaamoy ng mabaho?


"Anong Jamie? May Vincent na yun noh! She's just like a sister to me. Don't misunderstood please? Aish!"

Wow! Bago yun ah! Si Kenji ba to? At lintek lang makainom, akala mong tubig lang yung iniinom! Di ko maintindihan ang inaarte niya kaya bumanat na 'ko.


"May nangyari ba Ken? Akala ko ba nagkaayos na kayo ni Jamie?" 

Hinila ko muna siya palayo sa mga tsismosong ka-team namin. Daig pa nila mga babae kung mangtsismis.


"I'm just telling the truth, bro. Sila na nung Vincent nognog na yun. And I don't give a f*cking d*mn!"

Sabay balibag dun sa bote ng beer. Makikita mo na sobra ang galit na nararamdaman niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, mukhang bigo. 


"May 'I don't give a f*cking d*mn' ka pang nalalaman eh nagbasag ka pa nga? Wag mo nga akong pinaglololoko! Kilala ko na yang itsura mo na yan, naku!" Pang-aasar ko. 

Wala raw kasi siyang pakialam kaya pala affected!


"Not now, bro! I'm not in the mood so please?" 

My Secret Admirer [COMPLETED](UNDER MAJOR EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon