Teddy's POV
Palabas na ako ng HQ ng Phytons ng makita ko siya sa gym. Ang babaeng palaging gumugulo sa isipan ko--
si Charmaine.
Papalapit na ako sa kanya pero mukhang di man lang niya naramdaman ang presensya ko ng biglang marinig ko siyang magsalita.
"D*mn that stupid thing! Bakit ba sadinami-dami pa ng pwedeng mawawala yun pa?! Argh!" Aah.. may hinahanap pala. Baka pwede akong makatulong. Badtrip na eh.
"Charm?" Tinapik ko sya sa balikat.
"Ay! Baklang palaka! Ikaw pala, Teddy. Pfft! Ginulat mo naman ako." Napahawak pa talaga siya sa dibdib niya sa gulat.
"Okay lang sa akin kahit maging isang frog prince para mahalikan mo ako. Pero ako bakla? Baka patunayan ko sayong hindi ako bakla huh?" Nakakatuwa din kasing asarin ang babaeng ito. Kahit naman nabasted na niya ako dati, di naman kami naiilang sa isa't-isa.
"Pfft!. Haha. Well, I'm sorry kung na-offend kita pero yun kasi yung biglang lumabas sa bibig ko." Paliwanag pa niya at nakuha pa akong pagtawanan. Ang cute niyang tumawa, parang gusto ko siyang halikan. Haha..
"Ano nga pala yung hinahanap mo? Gusto mo, tulungan kita?" Nung sinabi ko yun, akala ko matutuwa siya pero bigla na lang siyang umiyak. May pagka-bipolar din talaga itong si Charm.
"Teddyyyy!" Bigla siyang umupo sa may bleacher at dumukdok. Tumabi naman ako sa kanya at saka ko siya inakbayan. Di ako manyak ha? Kino-comfort ko lang siya. Tch.
"Ano ba kasi yung hinahanap mo at nagkakaganyan ka? Kung gusto mo, papalitan ko na lang-"
"No! I need to find it! Kung hindi baka-- baka.. Waaaah! Teddy!" Kawawa naman, halos matanggal na yung ngala-ngala sa pag-iyak. Napayakap pa nga sa akin. Uy, di ako nagte-take advantage ha. 'Friendly hug' lang to.
Hinimas ko yung likod niya, pinatatahan ko lang siya, okay? Wag masyadong imaginative. "O sige, hahanapin natin yan. Don't worry makikita rin natin yan! Pero tumahan ka na, di natin mahahanap yun kung aatungal ka lang diyan."
"Teddy, I can trust you, right?" At tumango naman ako habang nakatingin at nakaakbay pa rin ako sa kanya.
"Yung cellphone ko kasi yung nawawala *sniff* and that stupid cellphone, may video ako dun."Aish, Jinjja!
"No! It's not what you think. Pero--" At kinuwento nga sa akin ni Charm ang lahat.
Sinabi niya na pinavideo nga niya kay Yaya Mabel yung kissing scene nila ni Kenji. Langya! Ang swerte naman ni captain! Hayy, naiiyak talaga ako sa mga kinukwento niya pero baka sabihan na naman akong bakla kaya pinipigilan ko.
May nilagay daw kasi siya sa ininom ni Kenji kaya nangyari yun. At nagalit sa kanya nung malaman yun ni captain. Ako man yun, di ba? Saka si Jamie naman talaga ang mahal nun eh.
Tapos nangako rin daw siya kay Kenji na buburahin niya yung video, kaso naman, may copy din daw pala yun sa isang cellphone niya at yun yung nawala! Pag yun may nakapulot at naging viral, kawawa naman si Charm at Kenji. Model student pa siya saka pag nakita yun ni Jamie, gulo na naman!

BINABASA MO ANG
My Secret Admirer [COMPLETED](UNDER MAJOR EDITING!!!)
RomanceJamie's life is almost perfect. A life that a normal teenager would ever dream of. A happy family, a healthy and wealthy life, a beautiful face and body, good grades, a long list of cute admirers.. Until she found out that her best friend, Charm and...