A

1.2K 31 24
                                    

Summery's Point Of View

"Sigurado kaba rito."- tanong sa akin ni Storm na nakaupo sa aking kama. Matapos suriin ang sarili sa harap ng salamin ay kaagad kong binalingan ito. Nakita ko rin si Snow na nakaupo sa isang gilid habang tahimik na nakatingin sa akin. Binigyan ko ito ng isang ngiti at isang tango lang ang nakuha kong sagot mula rito.

"Oo naman. Heto nga at suot ko na ang bago kong uniporme."- nakangiti ko pa rin na sagot habang hinahaplos ang paldang suot. Kung ikukumpara ang uniporme ko ngayon sa dati kong uniporme ay talagang napakalaki nang pag kakaiba.

Isa lang itong simpleng puting blouse at isang dark blue na palda na umabot hanggang sa tuhod at pinaresan ng itim na belt. Normal na uniporme para sa isang public school. At tama. Isang public school. Napag disesyunan ko na sa isang public school na lamang ako mag aral. Doon ko gustong mag simula.

"You look so beautiful my baby

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"You look so beautiful my baby."- bungad ni Inay nang makapasok ito sa loob ng kwarto ko, kasunod nito si Itay na nakangiting nakatingin sa'kin.

"Thanks Inay." - medyo naiilang kong sagot habang lumalapit sa mga ito.

"Are you ready?" - tanong ni Itay bago ako bahagyang niyakap.

"The uniform of your new school suit you very well. Halatang anak mayaman pa rin."- natatawang sabi ni Storm na tumayo na sa pagkakaupo sa kama ko. Tulad ko ay nakasuot na rin ito ng uniporme at handa ng pumasok. Nakaramdam naman ako ng kirot habang pinag mamasdan ang suot nitong uniform.

Ganito pala ang pakiramdam. Siguro noon ay ganito rin ang pakiramdam ni Snow noong lumipat ito nang school. Nakakalungkot pala. Ito pala ang pakiramdam nito noon. Kaya pala ganoon na lamang ang tingin ni Snow sa'min kapag suot ko at ni Storm ang uniporme ng dati naming school. Nakakamiss.

Bumaling ako kay Snow na tahimik lang na nakatayo sa likod nina Inay. Nakasuot din ito ng uniporme ng school nito. Gusto kong mangiti sa ideyang iba-iba na kaming tatlo ng uniform na isusuot sa pag pasok.

"Good luck."- sabi ni Snow. Agad akong lumapit dito at niyakap ito.

"Thank you!" - matamis na sabi ko rito. Napansin kong tila naiilang ito sa pagyakap ko pero mas lalo ko lang iyong hinigpitan. "Good luck din sa first day of class ninyo ni Storm!"

"Ito ang unang pagkakataon na papasok tayo sa unang araw ng klase nang hindi magkakasama."- nakangiting sabi ni Storm at inakbayan kaming pareho ni Snow. "Akala ko pag nag college pa tayo mangyayare 'yun. Mapapaaga pala."

Nang balingan ko si Storm ay nakita kong ngingisi-ngisi ito ngunit kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata nito. Hindi ko naman ito masisisi. Mula kinder garden ay magkakasama na kaming tatlo hanggang ngayong nag senior high. Kaya alam kong nalulungkot ito sa mga oras na to.

"Storm, don't be sad." - maya-maya ay sabi ni Snow. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Storm dahil sa sinabi ng aming bunsong kapatid. Agad naman itong bumitaw sa pag kakaakbay sa'min ni Snow.

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon