D

308 17 45
                                    

Summery Point Of View

Not edited. Will edit later. Happy reading!

B-Boyfriend?

Tila hindi nag proseso ng tama sa aking utak ang lahat nang sinabi ni Dos sa harap ng aking pamilya. Ang kaluluwang kanina ay patakas pa lang ay tuluyan ng tumakas. Pakiramdam niya ay ano mang oras ay matutumba siya at mahihimatay, ngunit pinanindigan siya ng balahibo nang akbayan siya ni Dos.

"Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag pakilala." - sabi pa ni Dos, siya naman ay hindi pa rin mahanap ang boses at hindi makapag salita.

"B-Boyfriend ka ni Summery?" - mula iyon kay Damon na halatang hindi din makapaniwala sa narinig. Si Snow naman ay may pagtataka sa mga mata.

"Yes, may problema ba?" - biglang naging seryoso ang tono ni Dos na ikinabaling ko rito. Nakita ko kung paano nito kakaibang tingnan si Damon, na tila ba hindi ito na tutuwang tingnan ito.

"W-Wala naman." - sagot ni Damon na tila napahiya.

Narinig ko ang pagtikhim ni Itay, kaya naman napabaling kaming lahat doon.

"Maupo ka Dos, hayaan mong tapusin muna namin ang pagkain bago natin pag-usap ang tungkol sa inyo ni Soleil." - seryoso ngunit hindi galit na sabi ni Itay. Inalok pa nito si Dos kumain ngunit magalang din iyong tinanggihan nang lalaki. Kumain na raw kasi ito bago magtungo rito.

"Excuse me everyone, aantayin na lang namin kayo sa living area." - sabi niya. Nang makitang tumango si Inay ay agad niyang kinaladkad si Dos.

At nang makarating sila doon ay agad niya itong sinipa. Napaaray naman ito dahil doon.

"Ang sakit noon Soleil!" - inda nito sa natamaang bewang.

"Talagang masasaktan ka! Anong pinag sasabi mo sa magulang ko!" - mahina at takot may makarinig na ibang sabi nya rito.

Ngumisi ito habang hinihimas ang bewang na nasaktan.

"Bored ako eh!" - muli naman itong napahiyaw nang makatanggap ito ng isa pang sipa. Tila wala lang dito ang ginawa. Gago talaga.

"Bored?" - nanggigil na sabi niya. Pero tumawa lang ito bilang tugon.

Pigil na pigil niya ang inis, kaya naman ipinikit niya ang mga mata at pilit pinakakalma ang sarili. Alam niya. Alam niyang mas masasaktan nya ang lalaki kapag hindi siya kumalma. Baka kung saan ito pulutin kapag nagkataon.

Nasa kalagitnaan siya ng pagpapakalma sa sarili nang may maramdaman siyang isang mainit na kamay na dumampi sa kanyang mukha. Napamulat siya dahil doon at bumungad sa kanya ang nag aalalang mukha ni Dos.

"Umiyak kaba?" - nag alala rin ang paraan ng pagtatanong nito. Ilang pulgada lang ang agwat ng aming mukha.

Bumilis tuloy ang tibok ng kanyang puso at mabilis na lumayo rito.

"H-Hindi ako umiyak." - nag iinit ang mukhang sabi niya. Bat naman kasi ang lapit lapit ng mukha nito.

"Hindi ka magaling magsinungaling Soleil." - iiling-iling nitong sabi, at basta na lang naupo sa sofang naroon.

Ipinaypay niya ang kamay sa nag iinit na mukha at umiwas ng tingin.

Paano nito nalamang umiyak siya? Kanina bago siya lumabas ng kanyang kwarto ay sinigurado muna niyang walang makakapansin na galing siya sa pag iyak. Pero si Dos, isang tingin lang nito ay alam na.

"Bakit ba iniiyakan mo yung mga walang kwentang tao." - masungit nitong sabi. Pinanlakihan ko naman ito ng mata.

"Sabing hindi ako umiyak e." - umismid lang ito at dumikwatro ng upo. Feel at home ang loko.

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon