I

168 11 11
                                    

Summary Point Of View
Not edited

"Callisto please stop!" - kinakabahan kong sabi habang pilit na pinipigilan ito. Ayokong dumating sa puntong magkasakitan silang dalawa, ngunit ang dalawa ay mukhang walang mga balak magpapigil.

"I can't believe na pumatol sa'yo si Summery." si Damon at mayabang na nakatingin kay Callisto, ngunit ang huli ay nagkibit balikat lang na tila ba walang pakielam sa sinabi nito.

"I should be the one who saying that. I can't believe na pumatol sayo si Soleil. Ganoong gago ka."

"Damon please-- umalis kana!" - mabilis kong pigil nang makitang papasugod ito sa pwesto namin. Hindi man sigurado kung kakayanin kong pigilan ang dalawang 'to oras na mag pang abot sila, ay iniharang ko pa rin ang sarili ko, huwag lang talaga iyon mangyari.

"Summery gago yang bago mo!"

"Mas gago sa luma."

"Callisto please naman!" - nais ko nang umiyak. Walang maisip na solusyon upang mapigilan ang dalawa.

"Ano Summery ganyan lang ba ang ipapalit mo sakin-----"

"Tumigil kana Damon! Ano pa bang gusto mo? Tigilan mo na ko! Umalis kana!"

"No Summery listen to me, I want you back. Break up with him, and come back to-----"

"Callisto!" malakas na sigaw ko nang dumaan ito sa aking gilid at akmang susugurin na si Damon, ngunit mabilis ko itong niyakap mula sa likuran upang mapigilan itong makalapit kay Damon. Halos makaladkad ako nito, ngunit hindi ko iyon ininda.

"Please dont... Callisto.." - habol ang hiningang pigil ko rito, at laking pasalamat ko nang magpapigil ito sa akin. Ramdam ko ang panggigil ni Callisto, ngunit ibinaba nito ang kamay na nasa ere at bumuntong hininga.

"I dont want to see you get close to my girlfriend ever again." - may diin ang bawat pagbigkas ni Callisto sa mga salitang iyon. Tila sinadya upang maramdaman ang galit mula roon. "Sa pangalan ka lang demonyo, ako pinanganak na demonyo."

Naiiyak na mas hinigpitan ko ang yakap kay Callisto. Hindi ko na alam ang mararamdaman. Halo-halo na ang emosyon. Ang mga bagay na ginagawa at sinabi ni Damon ay tunay na nagpapagulo sa akin. At ang mga ginagawa naman ni Callisto ay tunay namang ikinagugulat ko. Handa itong makipag basag ulo para sa akin.

Nang mamayani ang katahimikan sa aming tatlo ay sinilip ko si Damon mula sa likod ni Callisto, ayokong bitawan ito dahil baka bigla itong sumugod kay Damon, ayokong mangyari iyon. Isa pa, injured ito at baka ito lang ang mapuruhan.

"Damon nakikiusap ako, umalis kana." - walang salitang namutawi sa bibig ni Damon, umalis ito sa aming harapan ng tahimik. At ganoon na lang ang pasalamat ko ng makaalis na ito ng tuluyan.

Bumitaw ako kay Callisto.

"Ayos ka lang ba----"

"Lets go home" - sabi lang nito at hinatak na ako sa kamay.

--- 

"What was that?" bungad na tanong ni Callisto nang makarating kami sa tapat ng aking bahay.

"What?" - bumaling ako rito at kunot noo rin itong tinanong. Sa wakas ay nagawa rin nitong magsalita. Mantalang kanina habang nasa daan ay hindi man lang nito nagawang magsalita. Tulala lang ito, habang nakakunot ang noo at tila may malalim na iniisip.

Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. Sumandal din ito sa pader ng aming bakod at namulsa gamit ang malayang kamay.

"Ayokong mag akusa, so please explain."

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon