F

305 13 11
                                    

Summery Point Of View

AN: Kung may mga typos and errors man,  pasensya na. Edit ko na lang soon! Thank you! 💕

Bitbit ang isang kahon na naglalaman ng ginawa nyang cookies ay sumilip siya sa nagtataasang mga damo sa kanyang harapan. Tinitingnan kung naroon na ba ang taong kanina pa inaantay at nang makitang kahit ang bakas nito ay wala pa, ay muli siyang napayukyok sa tinataguan.

Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nagtatago sa likuran ng mga damo. Gumising at pumasok pa siya nang maaga para dito. Ngunit hindi niya rin alam kung bakit ba siya nagtatago.

"Ano bang ginagawa mo Summery?" - mahinang tanong niya sa sarili, ngunit ganoon ding kabilis nanahimik nang makarinig ng papalapit na sasakyan.

Maingat siyang sumilip, at nakita nga ang isang magarang sasakyan na huminto hindi kalayuan sa kanyang pwesto. Bumaba doon ang isang lalaking naka uniporme na tingin niya ay isang driver at nagtungo sa likod na pinto at binuksan iyon. At sa wakas, lumabas doon ang taong kanina nya pa inaantay, at kagabi pa niyang iniisip.

Kumurap-kurap pa siya upang masigurado niyang si Dos nga ang taong bumaba mula sa kotse. At ganoon na lang ang pagkagat niya sa ibabang labi, nang makita kung paano lumukot ang mukha ni Dos at napahawak sa parteng tiyan nang makatayo ito. Tila nasaktan.

Akmang aalalayan ito nang lalaking kasama, ngunit agad na pinigilan iyon ni Dos gamit ang pagkumpas ng kamay. Mas nakonsensya naman siya lalo, kitang-kita na niyang ang sakit nga sa tiyan ang iniinda nito. At malinaw na siya ang dahilan noon.

Tahimik pa din siyang nagtatago at nakamasid. Nakikita niya ang bawat galaw ni Dos, maging ang dahan-dahan nitong paglalakad. Pasalamat din siya dahil hindi siya nito napapansin mula sa kanyang pinagtataguan. Malayo na ito nang mapag desisyunan niyang lumabas.

Nakagat niya ang kuko sa hinlalaking kamay habang nakatanaw sa nakatalikod at naglalakad na si Dos dahil pa rin sa konsensya. Ito ang dahilan kung bakit siya gumising at pumasok ng maaga upang abangan si Dos. Nais niya sanang humingi nang pasensya sa ginawa niya. Gumawa pa siya nang peace offering na cookies, pero nang makita naman na niya ito ay hindi naman niya magawang lapitan ito. Maldita lang naman siya at mainitin ang ulo, pero kung gaano siya kabilis mag maldita at mag init ang ulo, ay ganoon din kabilis siyang lamunin nang konsensya. Lalo na ngayong nakikita nyang nasasaktan si Dos dahil sa kanya.

Napag desisyunan na lang niyang sundan ito, kaya naman sinimulan nyang ihakbang ang mga paa nang makitang tama na ang agwat nilang dalwa upang tahimik itong sundan. Normal naman ang lakad ni Dos, pero halatang pinipilit lang nitong umakto ng ayos. Nakarating na si Dos sa palapag nang classroom nito ay palihim pa rin siyang nakasunod dito. Nakita niya kung paano ito pag masdan at batiin ng ibang estudyante, lalo na ang mga babae. Ngunit simpleng tango lang ang ginagawang sagot doon ni Dos.

Matangkad si Dos, tingin ko ay naglalaro ang height nito sa 5'9 to flat 6. May maganda itong kutis na talagang hindi mo na pagtatakhan kung mula ito sa mayamang pamilya. May kakapalan ang magulo nitong buhok, at kung hindi ako nagkakamali nang minsang matitigan niya si Dos ay kulay brown ang matapang nitong mata. Matangos na ilong, makapal na kilay, at mapupulang mga labi. Ngunit ang totoong nakakaagaw ng pansin kay Dos, ay ang magkabilang malalim na biloy nito na totoong mas nagpapaganda sa mga ngiti nito. At hindi na din niya maitatanggi, gwapo si Dos.

Huminto na siya sa pag sunod kay Dos nang makita na niyang papasok na ito sa pinto nang classroom nito. Hindi niya kaya itong lapitan, kaya iyon na lang muna ang gagawin niya, ang maihatid ito ng ligtas sa assign classroom nito. Baka kasi bigla itong matumba sa paglalakad hindi ba, atleast naroon siya upang makatulong.

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon