Summery Point Of View
Not edited"Goodmorning!"
Si Callisto ang bumungad sa sakin nang umagang iyon. Sino ang mag aakalang naroon ito ngayon at prenteng nakaupo sa isa sa mga couch sa loob ng aming living area.
Wala man lang makikitang nerbyos sa mukha at mata nito. Bagkus ay tila feel at home pa ito.
At tulad nang normal na gayak nito, ay naroon na naman ang coat sa ibabaw ng mga balikat nito. Hindi ko alam kung para saan ba ang bagay na iyon at lagi nito iyong suot, mapa school uniform man, o normal na damit gaya ng suot nito ngayon. Galante at malinis na sana itong tingnan kung hindi lang dahil sa fracture cast na suot nito. Pero hindi naman talaga nakabawas iyon sa kagwapuhan nitong taglay.
"Anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong ni Storm na hindi ko napansin na nakasunod pala sakin palabas ng dinning.
Nakangiwing nilingon ko ang kapatid na kunot ang noong nakatingin kay Callisto. Lantaran talaga ang pagka disgusto nito kay Callisto.
"Sinusundo si Soleil." - nakangiting sagot ni Callisto at hindi pinansin ang nagsusungit na kapatid. Tumayo ito at lumapit sakin.
"At saan mo naman dadalhin ang kapatid ko ngayong sabado?"
Tama, araw nang sabado ngayon. At kagabi ay nakatanggap ako ng text message mula kay Callisto, inaaya ako nitong lumabas at mamasyal. At dahil wala rin naman akong lakad, at nakikitang masama doon ay pumayag ako. Kaya heto ngayon si Callisto nakangiting nakatingin sakin.
"Stormelei Raiden!?" - boses iyon nang ina, at isang saglit lang at lumabas na rin ito mula sa dinning kasunod naman ang tahimik na si Snow.
Nakita ko kung paano ngitian ni Callisto si Inay, at ganoon din kay Snow. Ngunit kapansin-pansin kung paanong mayroong kakaibang emosyong dumaan sa mga mata ni Snow nang makita si Callisto.
Nang balingan ko naman muli si Callisto, ay sakin na muli nakatuon ang mga mata nito, kaya naman binalewala ko ang kakaibang reaksyon na iyon.
"Inay..." - tila maamong tupa na sabi ni Storm sa harap ng ina.
Naiiling na lang ako. Ito lang yung taong masungit na hindi mapanindigan kapag kaharap si Inay, o minsan ay kapag kami rin ni Snow.
"Nagpaalam sakin nang ayos si Callisto at pumayag ako." - sabi ni Inay. Umismid si Storm at sumubok na namang umalma pero..
"Bakit ka pumayag Inay! Hindi ako payag! Sasama ako!---"
"Denden!?" kamuntikan na akong matawa dahil sa palayaw na itinawag ni Inay kay Storm. Nang sulyapan ko naman ang kapatid ay pulang-pula ang mukha nito, at hindi na nagawa pang makapag salita. Ayaw na ayaw nitong tatawagin ito sa pangalang iyon, na ginagawa ng aming Inay noong mga bata pa kami.
"Halika na?" - aya ko kay Callisto, tumango naman ito at magalang na nagpaalam sa aking Inay. Wala si Itay dahil maaga itong umalis papasok sa opisina.
Napansin ko rin si Storm na masama pa rin ang pinupukol na tingin kay Callisto, ngunit nang tumama ang tingin nito sa akin ay dinilaan ko lang ito, na mas ikinasimangot nito ng husto.
"Bakit natripan mo ipasyal ako?" - tanong ko nang nasa loob na kami ng sasakyan. May driver itong kasama, at kung hindi ako nagkakamli ay ito ang driver na kasama nito nang minsang makita ko sila.
"Trabaho iyon ng isang boyfriend." - tinitigan ko ito, at sa gulat ay biglang namula ang mga tainga nito.
Eh?
"Stop staring!"
"Hindi naman kita tinitingnan." - kunwari'y tanggi ko at bahagyang natawa.
Hindi ko talaga alam kung bakit sa tuwing kasama ko o malapit sakin si Callisto ay kalmado ang buong pagkatao ko. Nawawala ang mga pakiramdam na mabigat sa puso ko, tila isa itong recharging station na kung saan nafu-full ako kapag nariyan ito.