Summery Point Of View
Not Edited"How are you Summery?"
Iyon ang naging bungad ni Damon, matapos naming makarating sa park na naririto sa loob ng aming subdivision.
Nang mabungaran ko kasi ito sa aking pagbaba sa aming bahay ay nag aya itong makipag usap. At dahil takot na baka makita kami ni Storm, o mas higit ni Snow ay dito ko siya dinala.
Magkasalikop ang mga kamay na pinilit kong maging kalmado bago sagutin ang tanong nito. Ayokong makita nito kung gaano pa rin ako maapektuhan sa kanyang presensya.
"M-Mabuti.. m-mabuti ako Damon. Ikaw? Kumusta ka?" - nagpumilit akong ngumiti nang normal. Namamawis na ang aking mga palad dahil sa nerbyos, kaya naman pasimple ko iyong inilagay sa aking likuran.
"Ang tagal na noong huli nating pag uusap." - ngumiti rin ito at bahagyang lumapit sa aking kinatatayuan. Naalarma naman ako kaya bahagya akong napaatras.
"D-Damon, hindi ako alam sa bahay na lumabas ako. Ano bang pag uusapan natin? Kung pwede sabihin mo na?" - naaligaga kong turan. Ayokong may makakita sa amin. Isa pa, oras na malaman ni isa sa pamilya ko na wala ako sa bahay ngayong papadilim na ay tiyak hahanapin ako ng mga ito, lalo na si Storm.
"Is it true that man is your boyfriend?"
Natigilan ako at natulala. Totoong hindi inasahan na ang bagay na iyon ang itatanong nito at gustong pag usapan.
Pero ang tanong na iyon ay naitanong ko rin sa aking sarili. Pumasok sa isipan ko ang kaganapan kanina sa pagitan naming dalawa ni Callisto.
Boyfriend ko nga ba ito?
Alam nang pamilya ko na boyfriend ko si Callisto, at hindi din lingid sa kaalaman ni Damon iyon.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangang tanungin iyon sa akin ni Damon ng personal. Hindi ko din alam kung anong magiging saysay kung malaman nga nito mula sa bibig ko na nobyo ko nga si Callisto. Para saan?
Naalala ko ang itsura ni Callisto sa sitwasyong ito. Nakangiti at masayang nakatingin sakin. Makulit man ito, pero wala pa itong nagawang bagay na nakakapag pasakit sakin.
Tumango ako. "Yes, he is."
"H-How did it happen?" - sabi ni Damon at tila hindi magawang makapaniwala matapos nitong marinig ang sagot na inaantay mula mismo sa aking bibig.
Nang salubungin ko ang mga mata ni Damon, ay nakita kong puno iyon nang pagtataka at pangamba na lubos kong ipinagtaka.
"W-What do you mean?"
Bakit ganoon ang naging reaksyon nito.
Hindi dapat. Hindi tama.
"I don't believe you, I'm the one you really love right? You're just using that guy!" - nagulat ako sa paraan ng pagsasalita ni Damon, tila naging mabalasik ito. Muli akong napaatras, nakakaramdam ng takot.
"U-Uuwi na ako Damon.." - ayoko na sa sitwasyong ito.
"Ako ang mahal mo hindi ba? Sabihin mo!" - bigla na lamang hinawakan ni Damon ang aking mga braso. Napasinghap ako dahil sa higpit noon.
"Nasasaktan ako D-Damon..."
Natatakot na ako. Hindi sigurado kung si Damon pa ba ang kaharap. Nakarehistro na sa mukha nito ang galit, at tila ano mang oras ay magagawa ako nitong saktan kapag mali ang sagot na narinig mula sa akin.
"Paanong boyfriend mo ang lalaking yun, eh patay na patay ka sa akin hindi ba? Nagawa mo nga maagaw ako sa kapatid mo, ganoon moko kamahal!" - ngumisi ito, ako naman ay tila binuhusan ng malamig na tubig ang buong pagtatao.