E

357 15 17
                                    

Summery Point Of View

Not edit

Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang siniguradong walang tao sa lugar na kinalalagyan bago siya mabilis na bumaba sa kotseng sinakyan. Daily routine na niya iyon ang palihim na bumaba sa kotseng pag mamay-ari ng kanyang pamilya.

Hindi niya pa lang gustong malaman ng iba na mula siya sa mayamang pamilya. Nais niya muna kasing maranasan ang maging isang simpleng istudyante. Kaya kahit mahirap ang ginagawa nya ay hindi siya nag rereklamo.

Nang sa tingin niya ay wala namang nakapansin sa kanya at nag simula na niyang tahakin ang daan patungo sa kanyang school.

"Good morning!"

"Oh my God!" - malakas na sambit niya at napayakap sa sarili, nang may kung sinong nagsalita na lang basta sa kanyang tabi. Nanlalaki ang mata sa gulat na nilingon niya iyon at ganoon na lang ang kagustuhan niyang sumambit ng kahit na anong klase ng mura nang makikilala kung sino ito.

"Dos!" - pikon na sigaw niya. Malakas naman itong humalakhak. Tila ba na satisfied ito sa naging itsura ko.

"Ang magugulatin mo naman." - umaakyat talaga ang dugo sa utak nya dahil sa lalaking ito. Napaka aga pa para mabwesit.

"Tantanan mo ko!"

"Ayoko!"

"Baliw ka!"

"Sayo? Yieeeh--- Ahhhh!" - sa isang iglap ay nasa sahig na ito at namimilipit sa sakit. Sino ba namang hindi, ikaw ba naman tamaan ng isang may kalalasan na sipa sa tagiliran ng tiyan.

"Masakit?" - kunwari'y naaawa niyang tanong dito. Naupo pa ako sa harap nito upang mas makita ang kabuuang itsura nito.

"H-Hindi..m-masarap nga e. I-Isa pa nga." - nakangiwing sabi nito, iniinda ang parte ng natamaan ko.

"Sure ka?" - Tumayo naman siya at akmang iaangat na ang paa nang malakas na tumutol ito.

"Masakit!"

"Serves you right!" - dinilaan nya muna ito bago tinalikuran.

"San ka pupunta?" - tanong nito na nagpatingil sa aking pag alis.

"Sa lugar na malayo sayo!" - naiinis ko pa ring sabi.

"Hindi ba't sabi mo mag uusap tayo ngayon?" - sa mga sinabi nito ay naalala niya ang nangyare kagabi. At bumalik na naman ang pagka-bwesit na nararamdaman niya. Matapos kasing umalis ng damuhong na ito ay siya namang walang tigil na pagtatanong ni Storm. Halos doon na nga ito natulog sa aking kwarto para lang malaman kung paanong naging boyfriend ko si Dos. Pero alam kong may iba pang nais malaman si Storm na hindi nito kaya pang itanong kagabi. At totoong na stress siya.

"Huwag ngayon! Huwag ngayon Dos!" - pakiramdam niya ay konti pa at sasabog na siya. Kaya naman kung maaari huwag munang mag krus ang landas nilang dalawa. Inismiran niya ito at muling tinalikuran, ngunit ganoon na lang kalakas ang tiling nagawa niya, nang hawakan siya ni Dos sa paa na naging dahilan kung bakit siya napatid at bumagsak sa sahig.

Pasalamat na lang siya sa pagiging isang atleta at nagawa niyang maging ayos ang kanyang pagbagsak sa sahig, pero nasaktan pa rin siya.

"Calisto!" - hiyaw niya at sinamaan ito ng tingin. Ngumisi naman ito at tumayo na mula sa pagkasalampak sa sahig.

"Deserve!"

"Loid Calisto!"

"Yes Summery Soleil?"

Nais niyang mapahilamos ng mukha dahil sa konsimisyon kay Dos. Naiinis na bumangon siya at hinarap ito.

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon