B

390 22 7
                                    

Summery Point Of View

"Woi, alam mo kahapon ko pa napapansin na tila may hinahanap ka." - kulbit sakin ni Yanyan habang umiinom ng palamig na binili namin sa labas ng school.

"Oo nga, sino bang hinahanap mo?" - untag din ni Avril.

Napangiwi naman ako at marahang umiling. Obvious ba ako masyado?

"Ano wala naman" - sabi ko at inihinto ang pagbaling-baling kung saan-saan.

"Weh? Siguro may kakilala ka dito sa school natin no?" - usisa pa ulit ng mga ito.

Hindi naman ako sumagot at pinag tuunan na lang ang palamig na iniinom. Hindi ko naman kasi sigurado kung tama ba ang isasagot ko sa kanila. Pero tama naman ang dalawa dahil totoong may hinahanap nga ako. Kahapon ay napansin ko ang uniporme ng mga lalaking istudyante sa bago kong school, at naalala ko roon ang lalaking isinilong ako sa kanyang payong. Kung tama ang pagkakaalala at tama ang hinala ko ay dito siya pumapasok.

Kaya naman hinahanap siya ng aking mga mata, ngunit hindi ko pa siya namamataan.

Matapos ang pagtambay at pagpapalamig sa labas ng school ay nagkayayaan na kami muling pumasok. Katatapos lang kasi ng orientation at pag we-welcome sa mga freshman kaya naman halos karamihan ng istudyante ay nasa labas.

Ngunit napatigil ang tahimik naming paglalakad nang makakita kami ng nag aaway.

"Si Sierra" - narinig kong banggit ni Yanyan. Dalawang babae ang nag aaway sa harapan namin at parehas hawak ng mga ito ang buhok ng isa't-isa. Ngunit halata ang kalamangan ng babaeng may kulot na mga buhok.

"Dalawang araw pa lang nagsisimula ang pasukan, ngunit mayroon na agad siyang kaaway." si Avril na tila ba hindi na nagulat sa nakita.

"Bakit sila nag aaway?" - usisa ko, maraming istudyante na rin ang nanunuod, ngunit kahit isa sa kanila ay walang pumipigil sa mga ito. Wala ring teacher na dumarating upang pumagitna.

"Hayaan mo lang sila Summy" - sa sagot ni Avril ay doon ko na kompirma na tila normal nga ang mga ganitong pangyayare sa eskwelahan na ito.

"Iwasan mo na lang ang babaeng 'yan, warfreak yang si Sierra." itinuro nito ang babaeng may kulot na mga buhok. Siya pala si Sierra.

Maya-maya lang ay ang iyak na nang babaeng kasabunutan ni Sierra ang nangingibabaw habang nakasalampak ito sa sahig. Si Sierra naman ay gulo-gulo ang buhok ngunit may ngisi ito ng tagumpay.

"What a waste of time, weaklings!" sabi pa nito at akmang sisipain pa ang babae nang may boses na nagpatigil dito.

"Stop it Sierra."

Mula iyon sa bandang likuran namin nina Yanyan, kaya naman dahan-dahan ako roong bumaling upang makita kung sino ang nagmamay-ari ng tinig. Ngunit hindi pa man tuluyang nakakabaling ay may kamay nang humawak sa aking balikat at maingat akong itinabi.

"Excuse me Miss." - sabi pa ng boses. Tiningnan ko ito at nagtama ang aming mata. At ganoon na lang ang gulat ko nang makilala ang taong nasa tabi, tuloy ay napaatras ako bigla. Kapansin-pansin din na nagulat din ito nang makita ako. Ngunit ang rumihistrong gulat sa mukha nito ay agad ding nawala.

Ngumiti lang ito sa akin na ikinapula ng aking mukha, at muli nang bumaling sa taong sadya nito.

"Ang aga mo makipag away Sierra." - sabi nito, agad ko itong sinundan ng tingin hanggang makalapit na ito kay Sierra.

The Right Man For Summery IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon