Summery Point Of View
Sorry sa typos! Will edit it later
"May bisita po sa bahay Tay Beni?" - kunot ang noong tanong niya sa kanilang family driver nang makita ang dalawang kotseng hindi pamilyar sa kanya na nakaparada sa labas ng kanilang bahay. Ngayong araw kasi ay si Tay Beni lang ang sumundo sa kanya mula sa kanyang bagong school.
"Ang alam ko ineng classmate ni Raiden, may school project atang gagawin." - sagot nito habang ipinaparada ang sasakyan. Agad naman siyang bumama nang matapos gawin iyon ni Tay Beni.
At dahil nasa parteng likod ang kanilang parking area ay sa dirty kitchen na siya dumaan. Ayaw nya rin kasing makita siya ng mga kaklaseng kasama ni Storm ngayon. At sa pagpasok roon ay nakita niya ang mga kasambahay nilang abala sa pag hahanda ng pagkain.
"Madami po bang kasama si Storm?" agaw pansin niya sa isa sa mga ito. Mukhang nagulat naman ang mga ito sa bigla kong pagsasalita, sa sobrang pagka abala ay hindi napansin ang aking presensya.
"Anim sila Summery." - sagot ng pinakamatanda sa mga itong si Nay Linda. Lumapit ito sa akin at kinuha ang aking bag at gamit na dala. "Gusto mo ba ng meryenda Ineng? Nagluto si Paine nang meryenda kanina, gusto mo bang initin ko?"
Tumango siya. "Si Snow po?" - tanong niya habang pinapanuod ang mga ito sa mga ginagawa.
"Nasa kwarto na niya siguro. Pumanhik kana rin, isusunod ko na lang ang meryenda mo." sabi pa ni Nay Linda. Muli siyang tumango at lumabas na roon. Pinakiramdaman niya ang loob ng bahay nila, inaalam kung nasasaan ang mga kaklase ni Storm.
At sa ingay na naririnig niya ay nagmumula iyon sa Veranda ng kanilang bahay. Gusto man niyang silipin ang mga ito ngunit nahihiya siya. Kaya naman tinungo na lang niya ang daan patungong hagdan upang sana ay pumanhik na sa kanyang silid nang matigilan siya.
Napansin niya kasi ang pamilyar na dalawang taong nakatayo malapit sa swimming area ng bahay. Gusto niyang makasigurado kaya naman tahimik siyang naglakad patungo roon at tahimik din na pinanuod ang mga ito.
Si Damon and Snow.
Base sa galaw ng dalawa ay nag-uusap ang mga ito. Hindi ko man naririnig ngunit kitang-kita ko naman kung paano sumilay ang ngiti sa labi ni Damon habang nakatingin kay Snow.
Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga kamay at ang pagguhit ng pamilyar na sakit sa kanyang dibdib. Ilang buwan din niyang hindi nakita si Damon, sa pagpupumilit na kalimutan ito ay umiwas siya. Umiwas siya upang kalimutan ang sakit na nararanasan. Ngunit ang ilang buwan na pagpupumilit na alisin ito sa kanyang isipan ay nawalan ng saysay dahil sa nakikita ngayon. Hindi sa ibang lugar, dito mismo sa aming bahay.
Nangangatal ang mga labing kinagat niya iyon, pinipigilan ang pangingilid ng luha. Alam niyang kahit anong iwas niyang gawin upang hindi makita ang lalaki ay magtatapo pa rin ang kanilang landas. Ngunit hindi ito ang inaakalang mararamdam niya. Ang sakit sa kanyang dibdib ay tila kahapon lang nagsimula. Buo at sariwa.
Pero sa huli ay wala naman siyang magawa kundi tahimik lang na masaktan. Wala na ang kanyang karapatan mula nang malaman niya ang lahat.
Pinilit niyang pinakalma ang sarili. Handa na siyang tumalikod at iwanan na ang mga ito nang may magsalita sa kanyang likuran.
"Soleil." - si Storm. Pero nagulat siya nang may mga kamay na tumakip sa kanyang mga mata, dahilan upang hindi na niya makita ang tanawin na tunay na nakakapanakit sa kanya.