Summery Point Of View
Not edited"At bakit hindi ka sasabay sa'min pag uwe?" - may kalakasang boses ni Storm habang kausap ko ito sa telepono.
"May mga kailangan lang akong tapusin." - kalmado kong sabi habang nakatanaw sa labas nang bintana ng aming room.
Kaagad kong tinawagan si Storm matapos ang pag uusap namin ni Dos. Ipinapaalam ko rito na hindi ako sasabay mamaya upang hindi na sila dumaan rito upang sunduin. Ayun nga lang ay hindi ko masabi ang totoong dahilan kung bakit ako hindi sasabay. Kaya naman pagsisinungaling na lang ang maaari kong gawin.
"Ano naman yun? Bakit hindi nyo ngayon tapusin para makauwi ka kaagad at makasabay ka sa'min ni Snow sa pag-uwe?" - sabi pa nito, mukhang hindi kumbinsido.
"Hindi yun matatapos agad----"
"Tatapusin? Baka naman may date ka lang kayo, si Callisto ang kasama mo no? Huuhh mag dadahilan ka pa!" - nailayo naman niya kaagad ang aparato sa kanyang tainga dahil sa pagsigaw ni Storm. Napapikit ako at marahang napahawak sa sintido, kahit kailan ay OA mag react itong si Storm.
"Ayoko talaga sa Callisto na yan!"
"Bakit gusto kaba?"
"Summery!"
"Alam mo kanina ko pa napapansin na pinagtataasana mo ako ng boses Stormelei Caine. " - kalmado ngunit delikado kong tanong.
"H-Hindi a-ah!"
"Hindi eh mataas boses mo."
"Hindi nga eh!" - napangisi naman siya, kahit hindi niya nakikita ito ay alam niyang nakanguso ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.
"Ah hindi?"
"Hindi nga!"
"Okay, see you sa bahay mamaya." - ayun lang at ibinaba na niya ang tawag kahit na ba narinig pa niyang nagsasalita si Caine.
"Summy hindi ka sasabay?" - saktong tanong ni Avril matapos kong ibaba ang tawag. Nang lingunin niya ito ay isinusuot na nito ang dalang bag. Cleaners kasi kaming dalawa, si Yanyan naman ay kanina pang nakauwi.
"Hindi na, may daraanan pa kasi ako." sabi ko at ngumiti rito. "Ingat ka pag uwe."
Maya-maya lamang ay tinatahak na niya ang daan sa puntang garden. Doon niya naisip na kitain si Callisto kahit ba wala naman silang pinag usapan na lugar na dalawa.
Wala naman kasi itong sinabi kundi mag usap sila. Walang lugar at walang oras.
Nang makarating sa lugar ay wala pa roon si Callisto, kaya naman muli akong naupo sa bench na naroon at tahimik na naghintay.
"Kanina ka pa?" - tanong ng isang tinig mula sa kanyang likod. Bahagya pa akong nagulat kaya mabilis akong napabaling roon.
"Ginulat mo na naman ako." - sabi ko. Ngumiti lang ito at tahimik na naupo sa aking tabi.
Bukod tanging kami lang dalawa ang narito. Hindi na iyon kataka-taka dahil ang lugar na ito ay hindi naman talaga puntahan ng mga estudyante. Isa itong garden na tila hindi na naalagaan. Malalago at matataas na mga damo, at mga kalat na patay na dahon.
"Kanina ka pa ba?" - patay ni Callisto sa katahimikan.
"Hindi naman, halos kararating ko lang din." - sabi ko at bumaling rito. Nakahalumbaba ito gamit ang libreng kamay habang nakatingin sakin. At gaya kanina ay suot na naman nito sa kanyang balikat ang isang coat. Tila isa itong hari sa akto nitong iyon.
"Anong gusto mong pag usapan?" - tanong nito na ikinataas ng aking kilay. Paanong ako ang may gustong pag usapan. Hindi bat ito ang nagsabing may pag uusapan kami?