Chapter 6

65 1 0
                                    

Dianne's P.O.V

Matapos ang araw na iyon, naging close narin naman kami ni Prince.

Actually, kaming anim na nga lagi ang magkakasama eh. Tropa na kami. ^_^

Pero... Wala paring pinagbago sila Hazel. Palagi paring kilig na kilig kayla Zeke. Pati ako dinadamay. Asarin ba naman ako kay Prince?! Eh alam naman nila na wala akong gusto doon.

For now, everything's fine. Masaya naman kasi silang kasama..

3 months later......

"Dianne! Tara na! Let's go Shopping!!!" Bungad saakin ng dalawa kong bestfriend pagbukas ko ng pintuan.

Nagyaya kasing magmall ang mga toh. Ako naman go lang ng go.

Nagpaalam narin ako at lumabas na kami ng bahay. May nakita naman akong black na van sa labas. Hindi siya ordinaryong van. Parang eto yung sinakyan namin dati nung party ni ate ah? Teka--

Hinila nalang ako bigla nila Hazel papasok ng Van. At doon, nakita ko ang tatlong mokong. Si Prince, Zeke at Joshua.

"Kasama kayo?!" Gulat na tanong ko.

"Oo. Di ba obvious? Kaya nga kami nandito eh." Sarkastikong sagot ni Zeke. So sungit naman this boy. Hmp.

Buong tropa pa nga ang kasama. Nangulit daw yung tatlo eh. Kaya napilitan nalang sila Hazel na pumayag at isinama nalang.

Nanahimik nalang ako at bumyahe na kami papunta sa mall.

Nang makarating, Bumaba na kami sa van at pumasok na rin sa mall. Nang bigla nalang akong hinila nila Hazel papasok sa isang boutique ng damit.

Grabe kadarating lang. Hila agad? Di naman sila excited noh?

Kuha sila ng kuha ng damit tapos ay ibibigay saakin..

"OMG!! Dianne, bagay toh sayo. Dali isukat mo. Para naman may masuot ka pag nagdate kayo ni Prince. Dali!!!" Utos ni Hazel habang tinutulak ako papasok ng fitting room.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Tsaka bakit mo ako pinapagsukat ng mga ganito. Eh alam mo namang ayoko ng mga ganyan. Tignan mo oh. Ang iksi. Di bagay sakin yan. Ayoko." Sagot ko.

Napatingin naman ako kanila Prince na natatawa sa reaksyon ko.

"Ay nako Dianne. Ang KJ mo talaga kahit kailan. Sige na. Pleasee! Isukat mo na." Tinulak na nga ako ng tuluyan ni Hazel sa fitting room.

Wala naman akong choice kundi suotin nalang.

Kulay pink na Dress tong pinasuot sa akin ni Hazel. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip nung babaeng yun. Eh alam niya namang di ako nagsusuot ng ganito.

Nang matapos kong suotin ito, napatingin nalang ako sa sarili ko sa salamin.

O______O

Oh my gosh. Dianne? Ikaw ba yan?!

"Dianne? Tapos ka na? Ang tagal mo naman. Labas ka na! Patingin." Narinig ko namang tinatawag na ako nila Claire.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip muna. Nakatingin sila sa akin at nakangiti ng nakakaloko.

Eeeeek. Nahihiya akong lumabas ng fitting room. >//<

"Ohh myyy goshhhh!!" -Hazel

"DIANNE?! Is that youuuu?" -Claire

"Grabe.." -Joshua

"Woah." -Zeke

"......" -Prince

My First and Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon