Chapter 2

160 3 0
                                    

Dianne's P.O.V

"Ohh.. Dianne.. Ayan ka nanaman eh. Andami mo nang nakain ah." Mas nagulat ako nung bigla akong kinalbit at biglang nagsalita si Ate Joanne. Kaya di ko nalang ulit pinansin yung kanina pa sumisitsit. Nakialam nanaman si Ate Joanne.

"Hahahaha. Ate naman. Palagi nalang eh. Yaan mo, magdadiet rin ako. Last na toh promise." Natawa nalang ako.

"Wushuu. Ayan ka nanaman eh. May pa-promise promise ka pang nalalaman pero hindi mo naman tinutupad. Tamo, ang taba taba mo na. Hindi mo ba alam yung salitang diet?"
Pinisil naman ni ate yung pisngi ko. -__-

"Ate!! Tsk. Ako nga'y tigil tigilan mo. Wag mo akong guluhin. Tandaan mo, galitin mo na ang lasing wag lang ang gutom." Tinignan ko siya ng masama.

"Tss. Bahala ka nga. Andami mong alam." Tumalikod nalang si ate at nanuod nalang sa mga kumakanta.

Ako naman, kumain nalang ng kumain. Syempre minsan lang naman ako makakain ng ganito kadami noh. Ay. Di pala minsan. Madalas. Hihi.

"Ayan. So, sino naman ang kakanta? Dali. Para naman toh kay Joanne eh. Go!!!" Sigaw ni Kuya JM.

"Waaahh! Eto si ano. si Dianne!! Magaling toh kumanta! Marunong toh maggitara. Dalii!" O__O Nagulat naman ako nung biglang nabanggit ni ate Joanne yung pangalan ko kaya napatigil ako sa pagkain.

Napansin kong nagtinginan sila lahat sa akin.

Anong? Ano toh? Bakit?!

"Uy Dianne!! Punta ka na sa Stage!! Kanta ka naman. Magaling ka daw kumanta eh. Dali. Go go!" Pinatayo ako ni Ate Angel.

"Eh? Pero ate!! Bakit ako?!" Napatingin naman ako kay ate na naka evil smile pa. Juskoo!! Dinamay pa ako. Lechugas de putspa.

Oo marunong ako maggitara at kumanta. Pero.... Di ako sanay ng nagpeperform sa harap ng mga tao. Shy type ako.

Nakatingin lang saakin si Ate na parang nangaasar pa. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Bwiset. Pinagtripan pa ako ng lola niyo. Dapat pala talaga di na ako sumama.

"Dianne! Please!! Para sa ate mo. Birthday niya naman eh." Pagmamakaawa naman ni Ate Ashley.

"Dali na Dianne. Kaya mo yan. Wooooohhh!" Tinulak naman ako ni Kuya CJ na hanggang ngayon eh nakashades. Ano ba toh? Anong meron sa mata niya? Kanina pa nakashades eh.

Pero hindi dapat yun ang isipin ko sa ngayon. Tungunu lang. Lagot talaga saakin si Ate mamaya.

"Sige na Dianne." Tumingin naman saakin si Kuya Alex at ngumiti.

Si Ate Tiffany naman, pinatayo na ako sa pagkakaupo ko. Tapos pinilit na akong umakyat ng stage. Pinaupo niya ako dun sa upuan sa gitna ng stage then inabutan ng gitara. Tapos may mic na sa harapan ko.

Ako naman, kinakabahan na naiinis na nalilito. Basta. May stage fright kasi ako. Di ako sanay sa ganito. Kahit gaano pa kakapal ang mukha ko.

Tumingin naman ako kay ate Joanne ng Malalagot-ka-saakin-mamaya-look. Nagsmirk naman siya.

Loko talaga. Grrrrr. Bwiset. Anong tutugtugin ko?

Napansin ko namang bumaba na si Ate Tiffany sa stage at iniwan na ako dun.

"Sige na. Go Dianne!!" Sigaw ni ate Ashley.

Wala naman akong choice. Nandon na ako eh. G.R.R.R.R lang. Shit. Bakit ba toh ginagawa ni Ate Joanne saakin? Hmp. Gaganti ako kahit birthday niya pa.

Pero grabe. Nakakasira ng pagkatao ang pantitrip niya saakin. Palibhasa alam niya na may stage fright ako kaya ginaganito ako.

Hayt. Stop this nonsense. I have no choice. So.... Bahala na.

My First and Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon