Joanne's P.O.V
Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. But I have no choice but to break up with him.
Ang sakit sakit lang kasi hindi ko masunod yung gusto ko.
Mahal na mahal ko si Carlo. And we've been dating for almost 2 years now. Were going strong pero dahil lang kay papa, masisira ang relasyong matagal naming iningatan.
May respeto naman ako kay papa at mas mahal ko pa rin siya kaya kailangan ko itong gawin kahit labag pa sa loob ko.
Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanya.
I hope he understands my reason. Sana hindi siya magalit...
Linggo ngayon kaya't nagsimba kami ng pamilya ko.
Pinagdasal ko nalang na sana maging maayos na ang lahat at sana maintindihan ako ni Carlos.
Hindi ko rin alam kung paano ako aalis sa bahay para makipag usap at makipaghiwalay kay Carlos.
Magpapaalam ba ako kanila mama?
Hay...
Ayoko nang magsinungaling sa kanila kaya't naisipan kong magpaalam sa kanilang makipagkita kay Carlos. Sana naman pumayag sila dahil ito na ang huling beses.
Pagkauwi namin sa bahay, habang kumakain ng breakfast, naisipan kong sabihin na ito sa kanila.
"Umm... M-mama, papa. P-pwede po ba akong makipagkita kay...kay Carlos?" Kinakabahan kong saad.
"At bakit?!" Galit na tanong ni papa
"Roberto." Pilit na pinakakalma ni mama si papa dahil nagtataas na naman ito ng boses.
"Ma..makikipaghiwalay na po ako..." Napatungo nalang ako dahil nangingilid na naman ang luha ko.
Napabuntong hininga nalang si papa.
"Papuntahin mo siya dito. Gusto ko siyang makausap." Seryosong saad ni papa pero hindi tulad ng kanina, mahinahon na ang tono ng pananalita niya.
Tumango nalang ako at nanahimik habang ipinagpapatuloy ang pagkain.
Pagkatapos kong magligpit ng aming pinagkainan ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para tawagan si Carlos.
"Hey." Agad itong sinagot ni Carlos.
"Um.. By.. Ano kasi eh.." Nagaalangang saad ko.
"Ano yun?" Malambing na tanong niya.
"P-pinapapunta ka ni papa dito. Gusto ka daw niya makausap..."
"Ha? Alam niya na?!" Nagtatakang tanong niya.
Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya. Hay...
"Oo." Mahinang sagot ko.
"Hay. Sige baby. Wag kang magalala okay? Akong bahala." Nagulat ako nang agad siyang sumagot ng walang pagaalinlangan na tila ba'y walang takot na nararamdaman.
"Talaga?"
"Oo naman. Bakit?" Carlos
"Wala. Sige pumunta ka dito mga alas dose ng hapon."
"Okay, baby. Don't be sad. Don't worry okay? I love you." Carlos
Napangiti nalang ako sa panlalambing niya.
BINABASA MO ANG
My First and Last Romance
RomanceSi Dianne Isabelle Santiago, isang Simpleng babaeng nangangarap na mahanap ang the one niya. Siya yung tipo ng babaeng mahilig sa mga love stories at mga teenfiction. Naging hopeless romantic siya. Umaasa nalang sa mga fairytales, Paghahanap sa prin...