Joanne's P.O.V
Malungkot akong bumalik sa kwarto ko pagkaalis ni Carlos.
Naiiyak parin ako hanggang ngayon.
Humiga nalang ako at sinubukan kong matulog pero patuloy parin akong ginugulo ng isipan ko.
Maya maya, nagulat ako nang bigla kong nakita si Dianne na nakaupo na pala sa dulo ng kama ko.
Ni hindi ko manlang siya nakitang pumasok. Tsk tsk. Di marunong kumatok.
Hindi ko nalang siya pinansin.
"Ate... Okay ka lang ba?" Sambit niya.
Tinignan ko lang siya at nginitian.
"Why do I need to ask if I already know the answer? Ang tanga ko talaga." Natatawang sambit pa niya. Ngunit hindi parin ako umimik.
"Ate alam mo, hindi ka naman dapat nagmumukmok diyan eh. Pasalamat ka pa nga, hindi kayo nagbreak dahil may iba siyang babae. Maswerte ka parin noh. Tsaka alam ko namang mahal na mahal ka ni kuya Carlos! Wag ka na umiyak oh. My rason naman ang lahat ng to." -Dianne
Tinignan ko siya muli at tsaka ko siya niyakap.
Halatang nagulat siya pero ilang sandali pa ay niyakap niya na ako pabalik.
Natahimik lang kami.
Maya maya ay kumawala na ako sa yakap at muling tumingin sakanya.
Pinunasan ko ang mga luha ko habang siya ay nakangiti lang sa akin.
"Salamat Dianne, baby ko! Alam mo, nakakatuwa ka kapag ang seryoso mo. Saan mo ba nakukuha yang mga pinagsasabi mo ha? Ikaw talaga." Sambit ko at ginulo ko ang buhok niya dahilan para matawa nalang kami parehas.
Napakibit balikat nalang siya.
Nagkuwentuhan pa kami pagkatapos nang madramang usapan na yun.
Di ko maitatangging napagaan ni Dianne ang loob ko. Kahit na minsan nakakainis siya dahil ang kj niya, loves na loves ko parin ang bunso naming to. Thankful ako dahil nagkaroon ako ng kapatid na katulad niya.
Dianne's P.O.V
Pagkatapos ng drama scene namin ni Ate, niyaya ko nalang siyang magshopping. Kahit ayoko nun, basta mapasaya ko lang siya, gagawin ko.
Buti at pinayagan naman kami nila mama.
Huhu. As usual, pinagsukat niya nanaman ako ng mga damit na hindi ko naman trip suotin. Hay nako si ate talaga.
Hinayaan ko nalang siya.
Pagdating kasi sa girly things at kaartehan, nangunguna yang si ate. Ewan ko ba kung bakit ako lang ang naiiba sakanila ni mama. Pareho lang kasi sila.
Yang si ate? Maarte yan. Madalas masungit tapos maingay pa. Magkaibang magkaiba kami. Total opposite niya ako.
Pero kahit ganon, nagkakasundo parin naman kami. Without her, I wouldn't live like this.
BINABASA MO ANG
My First and Last Romance
RomanceSi Dianne Isabelle Santiago, isang Simpleng babaeng nangangarap na mahanap ang the one niya. Siya yung tipo ng babaeng mahilig sa mga love stories at mga teenfiction. Naging hopeless romantic siya. Umaasa nalang sa mga fairytales, Paghahanap sa prin...