Chapter 8

12 0 0
                                    

(A/N: Finally! After a year without updating, eto ana! We've reached 1k reads at dahil doon ginanahan ako mag update. Pagpasensyahan niyo na kung yung mga naunang chapters medyo jeje. Hahaha. Inedit ko na yun, and eto na nga po. Please vote, and feel free to comment. No hate just love. xoxo)

Dianne's P.O.V

Walang pasok ngayon kaya makakapagpahinga ako.

Nakahiga lang ako habang nanonood ng tv sa kwarto ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Prince calling...

Agad ko itong sinagot.

"Hello? Oh Prince napatawag ka?" Pambungad ko.

"Ah..eh.. Free ka ba ngayon?" Prince

"Umm. Oo. Bakit?"

"Yayayain sana kitang lumabas." Prince

"H-ha? S-saan naman tayo pupunta?"

"Sa mall. Papasyal. Ano? G?"

"Sandali. Kasama ba sila Hazel?"

"Um... Hindi eh. G-gusto ko sana...tayo lang."

"Ay ganern? Haha. Osige. Tignan ko kung papayagan ako nila mama. Txt nalang kita."

"Really?! Yes! Sige sige. I'll wait." Tuwang tuwang sagot naman ni Prince. Excited?

"Okay. Bye Prince."

"Bye."

Binaba ko na agad ang telepono at baka marinig pa ako ni Ate. Palagi niya kasi akong inaasar kay Prince eh wala naman akong gusto sa kanya.

Sadyang nagwapuhan lang ako nung una kong kita sa kanya.

Yes, he's kinda cute. But his not my type. Kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. And besides, bawal pa.

"Papa! I'm sorry. I-I'm sorry." Bigla akong nakarinig ng iyak mula sa kabilang kwarto kaya't pinatay ko muna ang tv.

Si ate yun ha? Bakit kaya?

"Diba sinabi ko bawal magboyfriend habang nagaaral pa?! Pero anong ginawa mo?! Sumuway ka pa rin!"

*Pak*

Narinig ko ang malakas na pag sampal ni Papa kay ate.

Teka... May boyfriend si ate? Sino? Bakit hindi ko alam?

Pinakinggan ko ang usapan nila. Umiiyak si ate at pilit na humihingi ng tawad kay papa.

"Pa, I-I'm sorry. M...Mahal ko lang po talaga siya. I'm s...sorry. Makikipagbreak nalang po ako. Sorry... Sorry, pa."

"Aba dapat lang! Pinagaaral kita kaya mag aral ka hindi yang pagboboyfriend ang inaatupag mo!" Malakas na sigaw ni papa.

"Roberto! Tama na." Pilit na pinipigilan ni mama si papa.

"You're grounded! Akin na ang cellphone mo!"

Maya maya'y narinig ko na lamang ang malakas na pag sara ng pinto. Hudyat na lumabas na sila papa ng kwarto.

"Roberto! Bakit mo naman sinigawan yung bata?! Pwede naman kasing kausapin mo nalang ng maayos diba? Tinatakot mo eh." Mahinahon na sambit ni mama.

My First and Last RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon