Dianne's P.O.V
"GOOODMORNING!!!" Umagang umaga, nanggigising na ako. June 2 na nga pala ngayon. First day of school. Excited na ako. Makikita ko nanaman mga friends ko.
"ATE!!! Gising na!!" Sigaw ko habang hinihila at kinikiliti yung paa niya.
"Ughh. Dianne, nakakabulabog ka naman. Antok pa ako..." Nagtaklubong ulit si ate ng kumot.
"Hay nakoo.. Hmp. AYAW MO GUMISING AHH!!!" Tumungtong ako sa kama niya tsaka nagtatatalon na parang bata.
"Hahahahaha. Gising na!!" Patuloy padin akong tumatalon.
"Ano ba? Ugh." Naiinis na siya. Haha.
"Hay nako. Kahit kailan ka talaga. First day of school ko ngayon. Hatid mo ko. Dali bangon." Dumilat siya tapos tumingin saakin.
"Hmp. Pumasok ka magisa mo." Tss. Pumikit na ulit siya. Shuungit.
"Ate!!" Nagtaklubong ulit siya.
-___- hay nako. Tamad talaga.
Lumabas nalang ako ng kwarto at nagpunta sa kusina kung nasaan si mama na ngayo'y nagluluto ng breakfast.
"GOODMORNING!!" Niyakap ko si mama.
"Goodmorning anak. Oh, ang ate mo? Bakit di pa bumabangon?"
"Ayun, tulog pa din po. Ginising ko na nga eh. Palibhasa wala pa siyang pasok. Ayaw ako ihatid." Umupo ako sa upuan sa dining table kung saan nakaupo si papa habang nagbabasa ng dyaryo.
"Hay nako. Yung ate mo talaga. Buti nalang at hindi ka nagmana sa ate mo. Tamad." Sabi naman ni papa.
"Hahaha oo nga po eh."
"JOANNE!! ANAK! Gising na diyan. Kakain na tayo." Kinatok ni mama si ate na natutulog parin sa kwarto.
Nakita ko namang tumayo agad si ate at dumiretso na nga dito sa kusina.
Ayt. Ganon. -__- kapag si mama ang nanggising bangon agad. Sayang effort ko kanina ah.
"Goodmorning." Matamlay niyang pagbati saamin. Tsaka siya umupo sa tabi ko.
"Goodmorning anak." Tumingin naman sakanya si papa.
Ako naman, nakatingin lang sakanya. Ang gulo gulo pa ng buhok. May panis na laway pa nga oh. Hahaha. Palibhasa nasa bahay lang. ^~^
"Oh?! Anong tinitingin tingin mo diyan?" Nakita niya akong nakatitig sakanya.
"W..wala.. Hahahahaha!" Tinawanan ko nalang. Itsura kase >~< nakakapanibago di halata sakanyang may arte siyang tinatago.
Inirapan niya nalang ako. Sungit naman. Menopause ba toh at nagkakaganito?
"Kailan ba ang pasok niyo, Joanne?" Tinanong siya ni papa.
"Umm, sa June 14 pa po simula ng first sem. namin."
"Wala ka pa palang pasok. Ihatid mo nalang tong si Dianne." Sabi naman ni mama habang nilalapag niya na yung mga pagkain sa lamesa.
"Oo nga Joanne." -Papa
"Ihahatid ko pa? Eh kalaki laki na niyan." Sagot naman ni ate.
"Kahit na ba. Syempre kailangan rin alagaan yang si Dianne. Bunso natin yan eh." -Mama
"Tss. Lagi namang siya." Sinamaan naman ako ng tingin ni ate. Hayt. -__- maldita talaga kahit kailan.
"Hay nako, Joanne. Ihatid mo nalang. Para naman may maitulong ka. Tsaka baka mamaya may mangyaring masama diyan kay Dianne. O kaya naman lapitan ng mga lalaki diyan. Ikaw ang ate. Responsibilidad mong alagaan at protektahan ang kapatid mo." Sabi naman ni papa habang kumukuha na ng pagkain at nilalagay niya na sa kanyang plato.
BINABASA MO ANG
My First and Last Romance
RomanceSi Dianne Isabelle Santiago, isang Simpleng babaeng nangangarap na mahanap ang the one niya. Siya yung tipo ng babaeng mahilig sa mga love stories at mga teenfiction. Naging hopeless romantic siya. Umaasa nalang sa mga fairytales, Paghahanap sa prin...