Dianne's P.O.V
"Happy birthday to you.. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!!!" Matapos namin kantahan si ate, hinipan niya na yung kandila sa cake niya..
"Happy birthday ate!!" Inabot ko sakanya yung regalo ko.
"Thank you Dianne." Ginulo niya naman yung buhok ko.
"Hahahaha. You're welcome ate." Ngumiti ako sakanya tsaka ako nagpunta sa may food section at naghanap ng pagkain.
Birthday kasi ni Ate Joanne ngayon. At ayan. Nagcecelebrate kami dito sa bahay.
Andaming bisita. Di ko naman masyadong kilala yung iba. Pero ang mas maganda dito, Andami ring handa. Yes! Makakakain ako ng madami neto.
Nagtingin ako ng makakain.. Hmm? Andami eh. Wala akong mapili.
Salad, Chicken, spaghetti, cupcakes, chocolate fountain, carbonara..etc.. Ansaraappp.
Natatakam na ako kaya kumuha nalang ako ng kung ano ano dun at nilagay sa plato ko.
"Ohh Dianne, wag masyadong lumamon ahh. Takaw mo talaga. Hahahaha." Napalingon ako sa nagsalita. Si ate!!
"Hahahaha ate naman. Parang siya hindi matakaw.."
"Oo na! Pareho na tayo. Pero bawas bawasan mo naman yan. Gusto mo bang tumaba? Gaya nun oh!" Tinuro niya yung matabang babae na bisita namin. Tumingin naman ako.
"Hahahahahaha. Loko ka!! Sumbong kaya kita diyan."
"Hahaha. Joke lang!! Pero, Kung ayaw mong maging ganon, bawas bawasan mo yan." Tinuro niya yung plato kong punong puno ng pagkain.
Napatingin naman ulit ako dun sa babaeng mataba. Ayoko namang maging ganon!!! Kaya, sige na nga. Kahit masarap kumain. Kahit labag sa loob ko.
At ayun na nga. Nagbawas na ako. Asarin pa ako ni ate eh.
Pumunta ako sa isang sulok kung saan wala masyadong tao. Syempre, ayoko namang makita nilang lahat ang katakawan ko.
Kumain nalang ako ng kumain. Ang sarap nito. Lalo na yung sa chocolate fountain!!! Nagdip ako ng marshmallows.
Shaaarrhaaap. Teka teka. Bago ako lumamon ng tuluyan dito.. Ako nga pala si Dianne Isabelle Santiago. Ang kapatid na matakaw ni Joanne Maribelle Santiago. 15 palang ako at si ate naman, dahil birthday niya ngayon, 19 na siya. 4th year highschool ako. Then siya naman, 3rd year college na.
Para ngang debut na to ni ate eh. Andaming handa. Andami ring bisita.
After kong kumain, tumambay nalang muna ako sa kwarto ko since wala rin naman akong magawa doon, nanood nalang ako ng tv.
Ganda nga ng palabas eh. Yung She's dating the gangster ni Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kakilig!!
Maya maya lang, Natapos ko naman yung movie. Di ko na nga namalayan na 7pm na pala. Lumabas ako ng kwarto ko at sinilip ko kung may bisita pa. Medyo onti nalang naman pala ang bisita dito sa bahay.
Naisipan ko nalang na magayos ng gamit para sa pasukan. One week nalang rin kasi, pasukan na namin.
Pagkatapos ko gawin ang mga dapat gawin, lumabas ako ng kwarto ko. At nakita ko si ate na kasalukuyang nagbubukas ng mga regalo niya. Umupo ako sa tabi niya..
Maya maya, nakita kong may nagregalo ng chocolates sakanya. Yung ferrero!!
"Uyyy. Share!!!"
BINABASA MO ANG
My First and Last Romance
RomanceSi Dianne Isabelle Santiago, isang Simpleng babaeng nangangarap na mahanap ang the one niya. Siya yung tipo ng babaeng mahilig sa mga love stories at mga teenfiction. Naging hopeless romantic siya. Umaasa nalang sa mga fairytales, Paghahanap sa prin...