--Chapter 1-- Meeting
*dug*dug*dug*dug
Ay shemay. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? At bakit ako napapangiti ng ganito? At teka! Dyusme! ano yung sinabe ko kanina?
gusto mo kunin mo narin ako?
Nakakahiya!!!!!
"Hoy candace! Bakit ngingiti ngiti ka jan?!"
"Ay tae ng kalabaw! Di ka ba marunong kumatok ambi!"
"Kakatok? Bahay ko po ata ito?"
"Sorry. uhm, ano kasi, nagugutom na ako eh!"
"Oh eto pagkain! Tsaka may ulam jan sa lamesa kung gusto mo pa chumibog!"
That night. Oo hindi ako makatulog, hindi ko rin alam kung bakit pero di maalis yung lalaking yun sa isip ko. Naramdaman nyo naba yung parang bago ka matulog eh ngiting ngiti ka paren? Yung pakiramdam na di maalis yung gutom mo? Gutom ba to? Yung parang yung tyan ko di mapakali, nakailang balik naman na ako sa banyo pero wala eh. Ano ba naman to? Hindi pa naman kasi ako naiinlove eh. Crush naman minsan lang. Etong bespren ko ang mahilig mainlove eh!
"Ambi. Ambi"
"Uhhhhhhmmmmmm?" Halatang nakatulog na sya.
"Ambi bakit ba parang natatae ako na ewan. Di ako makatulog"
"uuhhhhhhm?"
"Wala kang kwentang kausap, mas masarap pa kausapin yung tae ng pusa kesa sayo."
"Uhhhhmm?"
Okay tulog na sya. Sige na patulugin mo na ko! Thoughts, thoughts, tama na kakaisip sa kanya, sige na please?
Uhm, excuse me. Pwede po banag makahiram ng walis at dustpan?
Ugh! Thoughts namane! tama na! tama na please?
*rrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggggggggg*
"Ay tae ng pusa ni ambi! Ano ba yan?!"
"Uhhhmmmm!" naginat bigla si ambi.
"Hoy ambi, bakit nag aalarm ka ng madaling araw?!"
"Alas singko na ate! Anong tingin mo saten anak mayaman? Gigising ng alas dyes ng umaga? Bumangon ka na nga jan at maglinis na tayo ng bahay!" Minsan yung bespren ko parang nanay eh =__=
"ALAS SINGKO?! Ugh! At isa pa Ambi anak mayaman ka naman talaga kaya pwede kahit ngayon lang gumising ka ng late?" Tinalikuran ko sya at nahiga ulet. Gusto ko matulog =__= Leshe yung lalaking yun! Di ako pinatulog!
"Bumangon ka na jan!"
"Ambaho ng hininga mo ambi kaya bumangon ka na at magtoothbrush dun" Sabe ko habang nakapikit paren at nagpipilit matulog.
"Ah hindi ka babangon?"
"Hindi"
"Okay" Sabay hinarap nya ko sa side nya at hiningahan ako ng bonggang bongga!
"AMBI ANG BAHO NG HININGA MO!"
"malamang umagang umaga palang! bangon na dali!"
Sabay umalis na sya sa kama ta pumunta sa cr para mag toothbrush. Ata? Tae naman to si ambi oh, inaantok pa talaga ako pero di talaga ako makatulog.
Pagkatapos kong tulungan si ambi na maglinis ng bahay nila at kumain, umuwi naren ako kela tita. Naligo lang muna ako at pagkatapos eh pumunta ako sa may subdivision malapit samin. Sabi kasi ni tita umorder daw yung isang family dun ng mga swim wears. Opo nagtatahi po kasi si tita. Kakilala nya daw yung nagpatahi at ako nalang daw ang maghatid. Naglakad na lang ako papunta dun tutal malapit lang naman. Nung marating ko na yung address na binigay ni tita, okeeeeh, namangha ako sa laki ng bahay neto.

BINABASA MO ANG
Stringed Together [ON-HOLD]
Teen FictionMinsan na lang ma inlove sa BAKLA pa, sa baklang patay na patay sa lalaking may gusto SA AKIN?! Ano na lang ang magiging ending? (O______o)